Author's Note:
Making bawi bigtime! Will update as much as I can for this week. Can you believe na we are almost halfway done with this story? I can't! It's going all too fast (char!) I've been literally snatching time just to finish this update. I hope you guys like it! Vote and comment!
---------------------------------------------------------------------------
May apat na araw pa silang namalagi sa Batangas bago sila hinayaan ng nanay ni Gray na umalis. Si Carson naman ay bumalik na sa Maynila noong makalawa kasi madami pa itong trabaho na naiwan. Pinagamit na niya ang sasakyan niya kasi sabi ni Gray ay pahihiramin na lang siya nito ng magagamit na sasakyan kapag pumayag na ang nanay nitong umalis sila nina Ethan at Loisa.
Somehow ay nalungkot siya na kailangan na niyang bumalik sa realidad na hindi naman permanente itong setup nila ni Gray. She will eventually move out and move on. Kumpara kasi noong una silang dumating doon ay malaki na ang pinagbago ng relasyon nila ni Gray. He has become kinder with his words and sweeter with his actions. Inaalagaan na din nito si Ethan like he would his own son and that just makes her heart flutter.
Sa isang buwan pa daw kasi lalabas ang resulta ng DNA test na pinagawa nila kay Ethan at Gray. Mas mabait na din sa kanya ang nanay ni Gray na si Feliza. She no longer looks at her with dagger sharp eyes and somehow ay tinatrato siya nito na parang tunay na ina ni Ethan.
Ang alam pa din ng mga tao ay asawa siya ni Gray. Paano ba namang hindi eh grabe kung maging protective ito sa kanya. Binawalan pa nga siya nito na pumunta uli sa munisipyo o sa ospital kung hindi siya kasama kasi baka daw andun si Henry. Madalas din itong nakahawak sa kamay niya at pinapatawa siya. Sa lahat ng ginagawa nito ay hindi niya mapigilan na umasa na may nararamdaman ito sa kanya and if that happens, sobrang whirlwind romance na itong kwento nila.
"Hey!" Bati sa kanya ni Gray nang pumasok ito sa kwarto.
"Uy, hi! What's up?" She smiled and continued folding Ethan's clothes and stacking them sa maliit na suitcase nito na dala niya.
"So you guys are really leaving. Tatahimik dito sa bahay." He sighed and helped her pack.
"Mamimiss mo si Ethan no! Nakakagaan ng surroundings kapag may baby." Ngumiti siya at tiningnan ito.
"Ikaw din. I think I'll probably miss you more." Nagulat siya sa sinabi nito and instead of looking like it ay tumawa na lang siya.
"Bolero ka. Mawawala na nga yung nanggugulo sayo. You no longer have to be my pretend husband." She said.
"Ikaw bahala, ayaw mo maniwala." He laughed.
Noong kinaumagahan ay ibinaba na nila ni Loisa ang mga gamit nilang dadalhin. She walked around sa hacienda and watched people still cleaning up the mess from the typhoon. Masaya na sila ngayon hindi katulad nung bagong tama ang bagyo. Nakapagsimula na silang magbuo ng mga bahay nila. Kahapon ay nagpaalam na din siya sa ospital at ipinasa sa doctor doon ang mga records niya. Siyempre kasama niya si Gray kaya madami ding mga tao na kung makatitig dito ay akala mo mauubusan ng gwapo kasama na doon ang doctor na kausap niya. She had to send Gray out of the room para lang magkaintindihan sila nito.
Nang makabalik siya sa bahay ay isinasakay na ng ilang mga tao sa sasakyan ang mga gamit nila. She thanked them for the help at muling pumasok sa bahay. Dumiretso siya sa dining area kung saan nakahain na ang almusal. Everyone's already sitting down at naghihintay na lang na ihain ang pagkain. Napansin niyang parang bihis na bihis ang mga ito pero binalewala na lang niya iyon. She sat down beside Gray, smiled at him bago inasikaso si Ethan na nakalagay sa baby carriage nito.
BINABASA MO ANG
First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅
ChickLitWATTY'S 2017: Riveting Reads Awardee PUBLISHED under Lifebooks BFF Series #2: Matilda O. Romualdez Mati is single and definitely not loving it. She is waiting for that fairytale, knight in shining armor kind of love story pero parang kakaibang twist...