HALOS ISANG LINGGO nang pabalik-balik si Matilda sa opisina ng GTO Manufacturing para lang makita o makausap si Gray pero kahit anino nito ay hindi niya makita. His secretary said na nagbabakasyon daw ang mokong sa ibang bansa indefinitely which is not true kasi wala sa kahit saang airport log ang pangalan nito. Her parents are helping her locate Gray Oliveros kaya halos lahat ng connections nila ay nagagamit din ni Matilda. Kahit nga ang kuya niya ay ginagamit na din ang mga business connections niya para mahanap din ang lalaki. They all know how important it is for her, and for Ethan.
"We've checked thrice hija, hindi talaga nagamit ang passport niya. He's here in the country. Yun ang sure ako." Sabi sa kanya ng mommy niya habang binabasa ang ilang dokumento na pinadala dito.
"I just received a call from your Tito Florence uli, kahit daw domestic flights hindi siya sumakay. They're reviewing surveillance tapes para malaman kung gumamit siya ng false identity or anything." Iyon naman ang daddy niya na sobra din ang tulong na ginagawa. They're staying sa bahay niya ngayon bilang aliw na aliw nga sila kay Ethan at para matulungan din siyang i-locate ang damuhong si Gray Oliveros.
Who in the right mind would run away dahil lang doon sa sinabi niya. Mauubos ba ang yaman nito kung kikilalanin nito si Ethan? She can fully shoulder everything, ang nais lang naman niya ay makilala nito ang anak ng may makilala ding ama ang bata. She does not wish for him to take over kasi sure na sure siya na kayang-kaya niyang palakihin na maayos ang bata. Alam lang ni Mati na mas maayos kung alam ni Ethan na may ama siyang nagmamahal sa kanya.
"Pasensya na po kayo sa abala." She sighed, kahit naman na willing ang mga itong tumulong ay nakakahiya pa din. They have their own lives, sana ay nagbabakasyon na lang ang mga ito sa kung saang lupalop ng mundo pero heto sila at naghahanap ng isang lalaking ni hindi niya alam kung worth it bang hanapin.
"Anak, ano ka ba? It's okay. Namiss namin ni Daddy mo ang ganitong trabaho. Nakakamiss na to. Ang tagal na kasi namin na naka-bakasyon." Her parents took a two year hiatus kasi nagkaroon ng malaking threat sa buhay nila kaya naman sumunod noon ang mga magulang niya sa States para magpalamig hanggang sa nahuli na ang kriminal na noon ay nananakot sa kanila.
"Thanks Mommy, pero please kung babalik kayo sa pagiging full-time lawyers, please take corporate jobs na lang. Hindi nanaman kami mapapakali ni Kuya kapag sa edad niyo ay may death threats nanaman po kayong matatanggap." Halos mabaliw siya sa stress noong hindi pa sumusunod sa kanya ang mga magulang noon sa Amerika. She couldn't sleep much kasi umaga hanggang gabi ay may death threats na natatanggap ang mga magulang niya. It was enough to make her lose so much sleep kaya noong finally sumunod na sila ay nakahinga na din siya ng maayos at nakatulog na din ng matiwasay kahit na papaano.
"Kayo talagang magkapatid masyado kayong mga nerbyoso at nerbyosa. We're fine." Nginitian lang siya ng Mommy niya bago hinawakan ang kamay ng asawa.
Looking at her parents, she knew na iyon ang gusto niyang marriage. They fight a lot pero at the end of every fight you'll see them holding hands or kissing. They always make up the minute they're done fighting na kahit sila ng kuya niya ay naguguluhan kung trip lang ba talaga ng dalawa na mag-away. Matilda knew that she wanted a man who'll constantly try to please her and love her even when she's at her worst. Kaso mailap na ata ang ganoong lalaki. Mahirap nang maghanap ng taong kayang intindihin lahat ng kabaliwan at kalokohan niya. Maybe her standards are a bit too high.
"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong sa kanya ng daddy niya.
"Hindi naman po, may naalala lang po ako." Ngumiti siya at bumalik sa mga binabasang parenting books. In fairness, madami palang bagong malalaman mula doon. She's a doctor at nadaanan naman nila ang child care pero since hindi yun ang naging specialty niya ay parang good as clueless siya.
BINABASA MO ANG
First Love, Last Love [PUBLISHED] | ✅
ChickLitWATTY'S 2017: Riveting Reads Awardee PUBLISHED under Lifebooks BFF Series #2: Matilda O. Romualdez Mati is single and definitely not loving it. She is waiting for that fairytale, knight in shining armor kind of love story pero parang kakaibang twist...