{ Puma's POV }
Humihingal na ako dahil sa pagtakbo ngunit binalewala ko na lamang to. I have to warn them. They need to hide.
Marahas kong tinulak pabukas ang pintuan ng cafeteria at walang kagatol-gatol na sumigaw, "Psychord is coming! Were in a state of calamity! Mga lovebirds magtago na kayo before he hurts your feelings! This is Spartaaaaaaaaaaa!"
Nagtinginan sa akin ang lahat ng mga nasa cafeteria. Everyone became quiet, yung iba tinitingnan ako na para bang baliw ako pero yung iba naman nakita ko agad sa mga mata nila ang kaba. And then in a blink of an eye iilan nalang kaming natitira sa cafeteria dahil karamahihan ay nagsilabasan na.
I heard a pair of footsteps coming my way. Speaking of the Devil named Chord...
"Puma Fletcher, ano na naman ang ginawa mo't nagsitakbuhan na naman palabas ang mga schoolmates natin?" He said nonchalantly with his hands inside his pocket.
"I need to save their souls from the wrath of your bitterness you psychotic jerk" Hindi na ako lumingon sa kanya, sa halip ay humanap na ako ng table na mauupuan namin.
I looked around when I noticed na hindi na pala sumusunod si Chord sa akin. Saan na naman kaya ang lalaking yun?
Sa hindi kalayuan ay nakita ko ang isang sophomore, kilig na kilig ang girl habang patagong kinukunan ng picture ang crush niyang nakaupo malapit sa kanya. Well, hindi siya magaling magtago kasi nakita ko siya at nakita rin siya ni Chord. In fact palapit na si Chord sa kanya----Oh shit this is bad...
I wanted to stop chord and his machine gun mouth kaso too late na. Psychord attacks in 3..2...1
"Nene kung ako sayo itigil mo na ang pagkuha ng picture sa crush mo. Pinapaasa mo lang ang sarili mo at nagmumukha kang isang nakakatakot na stalker. Face it, he'll never notice you unless you become popular. Youre a sophomore, he's a senior. End of conversation. Peace out" Chord calmly said at agad siyang nag-wink sa girl sabay thumbs up. Chord looked at my direction and smirked. Naiwan lang ang girl na nakanganga at mistulang naiiyak.
Seriously?! This guy is unbelievable! Hindi excuse ang pagiging Friendzoned since birth niya para mag-cause ng bv sa mga girls!
"I cant see but I can sense na naghahasik na naman ng lagim si Psychord." Agad akong napalingon at nakita ko si Dilly sa likuran ko.
"Dilly baka maging kriminal na talaga ako sa araw nato. Paki-hanapan mo nalang ako ng abogado" I said while guiding Dilly to the chair. Dilly is our blind friend. Iisa lang kami ng school since may special education dito sa campus namin.
"Anong nangyari bakit naghahasik na naman siya ng lagim?" Dilly asked so I just huffed.
"Nagpost si Dwight ng selfie nila ng girlfriend niyang si Kimberly..." Dwight is Chord's bestfriend.
Dilly laughed. Nakaka-amaze talaga kasi everytime tumatawa si Dilly ay parang nagiging slowmotion ang lahat dahil sa kapogihan niya. He looks so adorable lalong-lalo na pag tumatawa siya. Kung hindi ko lang talaga siya kakilala simula bata pa baka ako pa mismo manliligaw sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
Chasing Hurricane
HumorHanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!