{ Hurricane's POV }
"Sinabi ko bang pwede kang pumasok?" I said with my eyebrows raised and hands on my waist.
"Di mo sinabing bawal" He said sarcastically as he sat down on the couch and turned the television on. Like who the hell does he think he is?! Kapal ng mukha niyang pumasok sa bahay ko!
"Bawal! Umalis ka na nga!" Sigaw ko sabay bato sa kanyang direksyon ng handbag ko.
"Too late bagyo. Nakapasok na ako, di na ako pwedeng lumabas," Hindi ko alam kung pinagt-tripan niya o ginagalit niya lang talaga ako. "Nasaan ang yaya at parents mo?" Tanong niya kaya napailing-iling na lamang ako.
"My mom's on a business trip with her husband. Wala kaming yaya, ano maga-apply ka?" I said sarcastically kaso balewala kasi parang di man lang siya nainis.
- - - - -
"You ordered Jollibee? seriously?" I said as I gave him my death glare.
Inilapag niya lang sa table ang foods na kaka-deliver lang. Sa lahat-lahat bakit Jollibee pa? ano ako bata? Id rather eat pizza -_-
"Seryoso nga. Kanina pa ako nagugutom, kung gutom ka na kumain ka nalang at wag nang mag-inarte pa" He said as he chowed down his food while watching tv.
What the hell, hindi ko gusto ang pagkain pero gutom narin talaga ako. No choice. Might as well enjoy this unhealthy food.
Nagulat ako nang bigla na lamang siyang tumayo at pinagmasdan ang family photos namin.
"May mga kapatid ka pala? Asan sila? Di ba nila nakayanan ang ugali mo?" Tanong ni Chord habang nakangiti ng nakakaloko kaya inisnaban ko na lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.
Tch. Nakakawalang gana pag-usapan ang mga step brothers ko.
"Hoy nagtatanong ako, di mo ba ako sasagutin?" Hindi ko pinapansin ang tanong niya.
Ayokong magkwento sa kahit kanino tungkol sa tangina kong buhay.
Kaaawaan lang ako ng tao pag nalaman nilang umalis ang "pamilya" ko para magbakasyon sa ibang bansa at di man lang ako sinama o niyaya man lang.
Iniisip ko nalang nga na umalis sila para sa isang business trip para wag na ako masyadong masaktan. Wala eh, nang mamatay ang totoo kong papa at nag-asawa ulit si mommy ay simula nun nawalan na talaga ako ng pamilya. Mom is still my mom, she cares for me and all, but family? Hell no.
"Bakit ganun dalawa ang family picture niyo? Sino tong lalake sa isang litrato na kasama niyo ng mommy mo noong bata ---" Natigil siya sa pagsasalita nang makitang napakasama na ng tingin ko sa kanya "Tatahimik na ba ako?" Nakangiti niyang tanong.
"Yes you really should" I said coldly as I continued eating.
"Tingnan mo nga naman, noong isang araw ikaw yung wagas dumaldal sa akin pero ngayon tahimik ka na. Bipolar ka no?" Tanong niya habang kumakain kaya napa-smirk na lamang ako.
"Wala lang ako sa mood makipag-usap dahil hanggang ngayon napakasakit pa ng paa ko, all thanks to you" I said sarcastically.
"Kasalanan ko bang masyado kang kinilig dahil sa sinabi ko?" Salubong ang kilay siyang nagtanong at may pa-pout pout pa siya. Aish! He's more sarcasm is better than mine, nakakainis!
"Kilig? more like takot Come to think of it, what the hell did you just say infront of everyone else?!!" Napasigaw ako nang maalala ko ang ginawa niya kaninang umaga sa harapan ng lahat. Itinutok ko ang tinidor sa kanya ngunit imbes na matakot e tumawa lang siya.
"Cute. But yeah just like I said girlfriend na kita, tapos ang usapan"
Pakiramdam koy nanlambot ang tuhod ko sa sinabi niya. Gusto kong matawa and at the same time magalit pero hindi ko magawa, para bang hindi ako makapagsalita.
Bigla na lamang niyang kinuha ang bag niya at agad na umalis. I tried to compose myself at sinubukan siyang sundan para makakuha ng kahit na anong explanation man lang.
"Mauna na ako bagyo. Lock your doors and Dont stay up late." And with that he closed my front door shut leaving me shocked and speechless.
Ilang minuto akong nakatayo sa harapan ng pintuan namin. Did that just happen? Please tell me this is just one of these weird nightmares.
Nagulat ako nang muling bumukas ang pintuan at sumilip ang ulo ni Melchoro.
"Ps, maglagay ka ng pulbo. Masyado kang namumula" He winked at muli na namang isinara ang pinto. I literally couldnt move. I felt my cheek heating up and my heart beat fast.
Melchoro Kang what the hell did you do to me?
I heard our gate closed confirming that he finally left and thats when I had the chance to breathe fresh air. Ito ba yung sinasabi nilang kinikilig? If it is I dont like it. I hate this feeling.
Hindi ako dapat magpa-apekto sa Melchorong yun. Baliw siya. Baliw!
He likes puma, not me.
This is just a weird day. Maybe nakalanghap lang ng masamang hangin si Chord. Tama yun nga, this is just a weird day.....
END OF CHAPTER 12
- - - - - -
Thanks for reading!
Vote and Comment ♥
BINABASA MO ANG
Chasing Hurricane
HumorHanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!