{ Puma's Point of View }
"Oh heto namnamin mong paniki ka!" Sigaw ko kay Luigi at agad na itinapon sa kanya ang walis na hawak ko.
"Grabe Puma, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo!" Sigaw ni Luigi kayat nagtawanan ang iba pang mga kaklase naming natitira sa room. Nakakainis! Pero mabuti nalang wala dito si Riza at ang mga alipores niyang mukhang aswang.
Dali-dali kong kinuha ang bag ko. Excited na akong umuwi! New episode na kasi mamaya ng cartoons na pinapanood ko! hihihihi.
Paglabas ko ng classroom ay naabutan ko si Chord. Nakasandal siya sa pader habang nagsa-soundtrip. May papikit-pikit pa ang loko habang nakapasok ang mga kamay sa bulsa.
"Manong Emo!" Sigaw ko kayat agad siyang umayos sa pagtayo.
"Hay salamat! Alam mo bang halos makatulog na ako dito?!" Reklamo niya kayat kaagad ko nalang na inikot ang kamay ko sa braso niya.
"Naman eh! Wag mo nga akong sungitan! Alam mo namang di ako makakauwi kung di tayo sabay diba?" Pagpapaalala ko sa kanya. Kahit hindi kami classmates parati talaga kaming sabay. Actually kaming tatlo ni Dilly. We're like triplets. Kung nasan ang isa, nandun din ang dalawa. Kahit na nabulag si Dilly wala paring dapat magbago.
"You know this isnt forever right?..." Chord said in a serious tone. Mas matangkad siya sa akin kayat bahagya akong tumingala, his eyes are looking straightforward but I can tell malalim ang iniisip niya.
"What do you mean? Please dont tell me wala kang sakit gaya ni Dwight. Or gaya nung mga nasa pelikula" Hindi ko maiwasang mag-alala.
He laughed.
"No im not sick. What I meant was this. Us. Were just teenagers, madaming magbabago oras na mag-college tayo. Wag kang masyadong maging dependent sa amin ni Dilly."
Here goes Chord with his serious talks again. I hate it when he acts just like my dad.
Isinandal ko na lamang ang braso ko sa balikat niya habang naglalakad kami patungo sa building nila Dilly. "Kung ganun hindi mo na kami sasamahan parati ni Dilly kapag nag-college na tayo?" I cant hide my sadness. Chord is just like a family to me.
"Baliw. Lots of things will change as we grow up. Were almost 18. You should really stop being so immature" He reminded me for the nth time.
"Then lets not grow up" I insisted.
Holy mamaw. Ayoko pang mag-18 wala pa akong nahahanap na boyfriend para sa akin o girlfriend para sa kanya. Ayoko pang makasal sa kanya.
He laughed at me again. Nakakainis kanina niya pa ako tinatawanan kayat kinuha ko nalang ang left earphone niya.
BINABASA MO ANG
Chasing Hurricane
HumorHanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!