28.
Kicking the Bucket
Third Person’s POV
“Ughh. Sila na ba?” Inis na tanong ni Luigi habang pinagmamasdang magkahawak-kamay sina Puma at Chord sa cafeteria.
“Oo. Wag kang bitter.” Sagot ni Yani kaya’t walang ano-ano’y naibuga ni Dilly ang kanyang iniinom na tubig. At dahil bulag si Dilly, hindi niya namalayang nasa harapan pala niya si Cooper na ngayoy basang-basa na ang mukha.
“Pakyu bulag.” Mahinang sambit ni Cooper at napapikit dahil sa inis.
“Hindi naman siguro sina Puma at Chord ang pinag-uusapan ninyo diba?” Tanong ni Dilly na natatawa.
“Sana nga hindi.” Mahinang sambit ni Luigi habang inaabutan si Cooper ng tissue.
Nagulat silang lahat nang bigla na lamang tumawa si Dilly.
“Bulag na baliw pa.” Mahinang sambit ni Cooper.
“Ba’t parang ang saya mo ata?” Tanong ni Luigi.
“Kasi may pag-asa na siya kay Bagyo.” Giit ni Cooper. Napansin ni Cooper na biglang natahimik si Yani kaya agad siyang nag-peace sign.
“Bilang kaibigan nila simula pagkabata, nakakatawang malaman na sila na. Kung alam niyo lang ang kabaliwan ng dalawang yan. Parang aso’t-pusa pero heto sila na.” Mahinang sambit ni Dilly na halata sa mukha ang saya. “Sabi ko noon isang milagro kung makakapagtapat si Chord sa nararamdaman niya. Ngayon naniniwala na ako sa milagro.”
“So naniniwala ka nang makakakita ka?” Tanong ni Yani kaya tumango si Dilly.
Biglang inakbayan ni Cooper si Dilly, “Bulag tandaan mo parati, kapag nakakakita ka na wag mo munang sasabihin sa iba. I-enjoy mo muna ang katangahan nila, tumambay ka sa CR ng girls o di kaya sa mga area kung saan nagbibihis ang babae, hindi ka nila pagsususpetsahan at siguradong mabubusog ang mata mo.”
“Aray!” Napasigaw si Cooper nang bigla na lamang siyang binatukan ni Chord na kararating lang sa table kasama si Puma.
“Cooper, forevs inosente si Dilly, di siya mahahawa sayo.” Paninigurado ni Puma.
“Ang mahalaga makakakita si Dilly.” Pahayag ni Yani.
“Wag kang mag-alala bulag, konting hintay, makakakita ka din.” Paniniguro ni Cooper kaya agad na napatayo si Luigi.
“O saan ka pupunta?” Tanong ni Puma ngunit di ito sumagot.
“Nagseselos yun sa inyo! Hahaha!” Giit ni Cooper kaya sinamaan lang siya ng tingin ni Puma.
“Congrats.” Bati ni Dilly sa dalawang kaibigan.
“Congrats? Eh mukhang paa ang girlfriend ko.” Biro ni Chord sabay sundot sa tagiliran ni Puma.
“Mas okay na yung mukhang paa kesa naman yung mukhang parang inapak-apakan na ng daan-daang paa. Hi Chord!” Sarcastic na sambit ni Puma sabay sandal sa balikat ni Chord.
BINABASA MO ANG
Chasing Hurricane
HumorHanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!