24.
Falling Awkwardly in love
Puma’s Point of View
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang magkahawak-kamay kaming naglalakad sa sidewalk. Nakakatuwa, were both swaying our intertwined hands like little kids. Napatingin ako sa kanya at gaya ko ay nakangiti rin siya.
Kapwa kami hindi nagsasalita. Let’s say both of us are just enjoying our moment.
Ganito pala ang pakiramdam na maka-holding hands ang taong mahal mo –Masaya at nakakakilig. I don’t want this moment to end kahit na may pagka-awkward.
He cleared out his throat as if he wants to say something kaya kapwa kami natawa. Awkward pero nakakatuwa.
“So… Di ka man lang ba magtatanong saan kita dadalhin?” Nauutal niyang tanong na para bang nahihiya. Ni-hindi niya magawang makatingin ng deretso sa akin.
“Nah. Surprise me.” Sabi ko at maya-maya pa’y tumigil siya sa paglalakad.
“Surprise!” Sigaw niya sabay wagayway ng kamay niyang nakaturo sa isang direksyon kaya sinundan ko ito ng tingin.
Manong Taguro’s Mamihan
OPEN 24 HOURS
What the fuck?
Wala akong ibang makita kundi isang maliit ng stall ng mamihan. Nasa labas ang mga plastic tables nila at exposed na exposed sa sidewalk. Iilan lamang ang mga kumakain pero hindi masyadong maingay ang paligid.
Napangiwi ako habang nakatingin sa kanya.
“Bakit?” Tanong niya.
“Seriously?” Tanong ko pabalik.
“Bakit? Ayaw mo ba? Diba masama ang pakiramdam mo? Nakakagaan ng pakiramdam ang mami kung ayaw mo may bulalo naman diyan.” Nag-thumbs up siya habang naka-taas baba ang kilay.
Tumawa na lamang ako at tumango.
Wow. This guy is such an idiot when it comes to romantic stuffs. Ni katiting na romantic cell sa katawan, wala ata siya. His idea for a date is so lame. He can’t even tell me how he really feels. He can’t even iron his clothes. He can’t even fix his hair nicely---- He’s perfect for me. God I love this guy.
----------
“Salamat po!” Sigaw ni Chord sa aleng nagse-serve ng mami habang hinihipan ang bowl niya.
“Bakit ganun Manong Taguro’s Mamihan pero babae ang nagse-serve?” Bulong ko kay Chord.
“Bakit anong akala mo? Si Mang inasal ang nagse-serve ng pagkain sa resto niya?” Pabalang niyang sagot kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin.
“You look so pretty when you’re angry.” Halos mabilaukan ako nang marinig kong sinabi ito si Chord. Dali-dali akong humarap sa bowl ko at nag-concentrate lang sa pag-higop ng sabaw. Pakiramdam ko namumula na ako, ayokong makita niya akong ganito dahil for sure aasarin lang niya ako.
BINABASA MO ANG
Chasing Hurricane
HumorHanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!