Chapter 26 : Overdosed

259K 12.6K 5.3K
                                    

26.

Overdosed

Third  Person’s POV

 

 

Umagang-umaga ay kapansin-pansin ang sigla sa mukha ni Chord, bagay na minsan lang mangyari, bagay na si Puma lang nakakagawa. Nagpunta siya sa locker area upang kunin ang mga gamit na kakailanganin sa PE class. Pagbukas pa lang niya sa maliit nitong pinto ay bumungad na sa kanya ang kanyang cellphone.

“Paano to napunta dito?” Bulong niya sa sarili.

78 missed calls at 35 unread messages at ang lahat ay nanggaling kay Puma. Napabuntong-hininga na lamang si Chord sa nakita, hindi niya naiwasang mainis kay Hurricane sa pagtatago ng cellphone niya pero kahit ganun ay nag-aalala parin siya dito.

Alam niyang magiging mahirap ang sitwasyon dahil magkaklase sina Puma at Hurri kayat tinawagan na lamang niya ang huli.

Matagal bago sumagot si Hurri kaya napasandal na lamang si Chord sa locker niya. Maya-maya pa ay sumagot ito ngunit kapansin-pansin ang panghihina niya.

“You called…” Mahinang sambit ni Hurri habang umiiyak kayat nasapo na lamang ni Chord ang ulo niya.

“Umiiyak ka ba?” Tanong ni Chord na hindi alam kung ano ang tama at dapat sabihin.

 

“ I love you so much that it hurts. I know you’re mad at me and Im sorry… I just did that because I love you and I ------“

Nagulat si Chord sa narinig, “H-hindi ako galit sayo. Shane, I’m sorry….” Yun na lamang ang nasabi ni Chord.

“I’m just sick and tired Chord. I just want all of this to end…. I just want to sleep and never wake up again.”

 Nanlaki ang mga mata ni Chord sa sinabi nito.

“Shane anong ibig mong sabihin? Shane nasaan ka?!”

“Goodbye Chord… Mahal na mahal kita..” Pagkatapos nito’y pinutol na ni Shane ang tawag.

Napansin ni Chord na tahimik lamang ang background ng kinaroroonan ni Shane, tandang wala ito sa eskwelahan kaya dali-daling nagpunta si Chord sa bahay nila sa pagbabakasakaling nandun siya.

----

“Shane! Shane! Nandiyan ka ba?!” Sigaw ni Chord habang kinakalampag ang gate nila ngunit walang lumalabas para pagbuksan siya. Ilang sandal pa’y napilitan na lamang si Chord na akyatin ang gate nila. Mabuti nalang at hindi naka-lock ang front door ng bahay nila kayat madali lang nakapasok si Chord.

“Shane buksan mo ang pinto!” Muling sigaw ni Chord habang pilit na binubuksan ang kwarto niya ngunit nakalock-ito.

Naririnig ni Chord ang malakas na musika sa loob ng kwarto palatandaang naroon nga si Shane pero hindi ito sumasagot kaya tuluyang natakot si Chord. Paulit-ulit niya itong kinakalampag. Kinalauna’y napilitan na lamang siyang banggain ang pinto gamit ang sariling katawan. Hindi alintana ni Chord ang pananakit ng kanyang braso mabuksan lang ang pinto at hindi nga siya nabigo.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon