30.
Closure
Puma’s Point of View
People are bound to fall in love with each other but that doesn’t mean they are destined to be together forever. That’s it. Maybe that’s what happened between both of us. Maybe this is what fate has planned for us. Masakit aminin pero parte kami ni Chord ng 70%.
“Puma isang buwan ka ng nagkukulong dito sa kwarto mo, Wala ka ba talagang balak na lumabas? Ibabagsak ka na daw ng teachers mo. Gusto mo bang hindi maka-graduate?” Tanong sa akin ni Mommy na bigla na lamang pumasok sa kwarto ko. Di man lang kumatok.
“I don’t want to go to school. Im sorry.”
“If you keep on doing this, kakailanganin mong mag-summer classes, okay lang ba yun sayo?” Tanong ni Mommy kaya tumango ako. Ako nalang ang natitirang anak nila kaya kahit na anong gusto ko, binibigay nila. The perks of being an only child.
“Anak ayaw mo ba talagang sabihin anong nangyari? Nag-aalala na kami ng daddy mo sayo. Sina Dilly alalang-alala narin sayo. Parati silang nagpupunta dito pero hindi mo naman sila hinaharap. Ano ba talaga ang nangyayari sayo.”
“I don’t know mom. Let’s not talk about it please.” Pakiusap ko at muling nagtalukbong ng kumot. Maya-maya pa’y umalis na siya.
One month without internet access. One month without looking at my phone. One month without doing anything except for listening to my ipod. Im cool with it though.
Babalik na sana ulit ako sa pagtulog nang muli na namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
“Dad pati ba naman ikaw, hindi rin marunong kumatok?” Napakamot ako sa ulo ko ngunit ngumiti lang siya. Gaya ni Mommy,umupo rin siya sa tabi ko.
“Kiddo whats happening to you?” Tanong niya.
“I don’t know.”
“Nagkukulong ka lang dito parati, may pinoproblema ka ba? Tungkol ba to kay Paulo?”
I can’t lie to my dad kayat tumango ako, “Nalilito ako. Pakiramdam ko may kulang sa buhay ko. Gusto kong malaman ang lahat tungkol kay Paulo pero natatakot akong masaktan. Kung makikilala ko siya lalo, baka masaktan lang ako. Dad im weak. Im a coward. You know that.”
Tumango siya at tinapik ang ulo ko, “This is why we kept everything a secret to you. Mahirap sa amin ng mommy mo na magpanggap na wala si Paulo sa buhay natin pero ginawa namin yun para sayo para wag ka ng masaktan. You guys were inseparable. We thought we were going to lose you too when Paulo passed away. You were like this –depressed. Your mom and I talked about moving to Chicago. Maybe we all could have a fresh start there. Payag ka ba?”
Chicago?
Sounds far. But anywhere but here is good.
Maybe this is what I need. This is what my family needs, a new start. Buong buhay ko, andami nilang kinimkim sa sakit para lang ma-protektahan ako. Siguro kailangan na nilang bitawan lahat ng yun.
BINABASA MO ANG
Chasing Hurricane
HumorHanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!