Hurricane's Point of View
Pinagtitinginan ako ng lahat habang naglalakad ako sa hallway. Noon pinagtitinginan nila ako dahil takot sila sa akin pero ngayon wala na akong ibang makita sa mga mukha nila kundi curiosity. Curious sila dahil may luhang tumutulo mula sa mga mata ko habang naglalakad. Kanina ko pa pilit na pinupunasan ang luha ko pero ayaw paring tumigil kaya hinayaan ko nalang. Wala silang pake kung umiiyak man ako ngayon.
Free period ngayon dahil intramurals kaya't dumiretso na lamang ako sa mini garden ng school upang magpalipas ng sama ng loob. Sa ganitong oras ay iilang estudyante lamang ang nandirito, at gaya ng inaasaha'y nandito si Dilly.
Hindi kami masyadong close pero alam kong siya lang ang mapagsasabihan ko ng sama ng loob. Tumabi ako sa kanya. Nakatulala lamang siya gaya ng dati habang nakatingin sa isang direksyon.
"Puma?" Tanong niya kayat napasinghap na lamang ako't pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Ano ba kayo? Puro nalang kayo Puma!" Biro ko pero kalakip nun ay ang muling pagtulo ng luha ko.
"Hurri? Teka umiiyak ka ba?" Tanong niya habang kinakapa ang likuran ko. "Tahan na." Napahikbi na lamang ako at napahawak sa bibig ko. Ayokong umiyak. Ayaw na ayaw kong umiyak pero di ko mapigilan. Ang hina ko.
"Heto." Kinuha ni Dilly ang panyo mula sa bulsa niya at dahan-dahan itong inabot sa direksyon ko.
"Hindi ko na alam kung sino ang malalapitan ko. Do you have time to listen to my bullshit?" Tanong ko habang pinupunasan ang luha ko gamit ang panyo niya.
"Im all ears Hurricane. I always am." Gaya ng dati ay napaka-kalmado parin ng boses niya kayat kahit papaano'y gumagaan narin ang pakiramdam ko. Isinindal ko nalang ang mga palad sa kinauupuan namin at napabuntong hininga. Saglit kaming binalot ng katahimikan, he's looking straight ahead samantalang ako, nakayuko lang ang ulo.
"Si Chord ba ang dahilan ng luha mo ngayon?" Nauna niyang binasag ang katahimikan.
"Unfortunately. Ganito pala kasakit magmahal? Alam ko naman simula pa noon na nakokonsensya lang si Chord dahil siya ang dahilan ng injury ko kaya niya ako parating sinasamahan pero bakit nasasaktan parin ako? Akala ko noon matutunan niya rin akong mahalin gaya ng pagmamahal niya kay Puma kaso hindi. Hindi ba talaga marunong magmahal ng iba si Chord? Kilala mo siya mula pagkabata Dilly, sa tingin mo ba mamahalin din niya ako?" Naiinis ako sa sarili ko. I feel so pathetic. Sa sobrang pagmamahal ko kay Chord, pati pride ko nakakalimutan ko na.
"Hurricane how many times do you have to get hurt for you to realize that its time to let go?"
Nakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Sinasabi mo bang kailangan ko ng kalimutan si Chord? Ganun ba yun?!" Dahan-dahang tumango si Dilly kayat napakagat na lamang ako sa ibabang bahagi ng labi ko.
"Madali lang sayong sabihin yan Dilly dahil hindi mo naman alam ang pakiramdam ng magmahal ng taong hindi ka mahal." Giit ko ngunit nagulat ako nang bigla siyang tumawa. "Anong nakakatawa?!" Tinaasan ko siya ng kilay kahit pa di niya ito makikita.
"Diyan ka nagkakamali Hurri. Gaya mo may mahal din ako at di niya rin ako mahal. Abala siya sa pagmamahal ng taong hindi rin siya mahal. Masyadong redundant diba? Natatawa ako. Tawa ka rin!" Bigla akong naawa kay Dilly nang marinig ko yun. Nakangiti siya pero may nakikita akong lungkot sa mga mata niya.
"Bakit ganun? Kung sino pa ang mahal natin siya pang may ayaw sa atin." Napabuntong hininga na lamang ako. "Nga pala nasabi mo na ba sa taong mahal mo ang nararamdaman mo para sa kanya?"
Napailing si Dilly. "Hindi niya alam at wala rin akong balak sabihin. Tahimik ako kung magmahal. Tanggap kong hindi niya ako mahal dahil makasama lang siya, sapat na yun sa akin." Muling napangiti si Dilly at nag thumbs-up.
Hindi ko kaya ang ginagawa ni Dilly. Hindi ko kayang masaktan ng walang ginagawa. Sanay akong lumalaban. Ayokong maging kagaya niyang sawi sa pag-ibig. No freaking way.
"Diyan tayo magkaiba Dilly. Hindi ako martyr. Sanay akong ipinaglalaban ang gusto ko at ang sarili ko. Hindi ako marunong sumuko." Napangiti din ako.
"So ano ang balak mo? Gagayumahin mo si Chord? haha!" At talagang nakuha pang tumawa ng korning bulag.
"Hindi. Sisiguraduhin ko lang na walang ibang makakuha sa kanya. All my life I was known as a bitch kahit pa hindi naman talaga ganun ang ugali ko, but I guess now's the time to show everyone how much of a bitch I can be for the one the person that I love." Tumayo na lamang ako at pinagpagan ang suot kong uniform.
"Teka sigurado ka ba talagang mahal mo si Chord? Di kaya gusto mo lang siya dahil pakiramdam mo siya lang ang nagmamalasakit sayo? Kung ganun nga ang iniisip mo nagkakamali ka, maraming nagmamahal at nagmamalasakit sayo, hindi lang si Chord." Sabi pa ni Dilly.
"Mali ka Dilly. Mahal ko si Chord kasi siya lang ang meron ako. Its not over until its really over."
I told Puma to stay away from Chord but she still wont.
Puma just declared a war.
- - - - -
Hinahanap ko si Chord. Nakita ko siyang mag-isa sa cafeteria kayat agad ko siyang nilapitan. Gaya ng dati,ambilis parin ng tibok ng puso ko habang nakikita ko siya. Para bang nami-miss ko parin siya kahit na nasa tabi ko lang siya.
"Bagyo! Bawal manghingi. Bumili ka ng sayo." Sabi ni Chord habang nilalamon ang cheeseburger niya. Natawa na lamang ako. Ang cute niya, natatakot maagawan ng pagkain.
"As if! Nga pala samahan mo ako mamaya sa hospital ha? " Siyempre todo ngiti ako, sabay hawi ng buhok papunta sa likod ng tenga ko.
"Hala, wala bang ibang pwedeng sumama sayo sa pagpapatanggal ng cast mo? Yung mommy mo?" Para siyang nag-aalinlangan. Ayaw ba niya akong samahan?
"Bakit may lakad ka ba?" Tanong ko at tumango siya.
"Nangako ako kay Puma na manonood kami ng sine mamaya. Alam mo na, pambawi dahil matagal na kaming di nagkaka-hangout. hehe."
Agad na nawala ang ngiti sa mukha ko. Si Puma na naman. Nakakasawa na.
"Dont worry mabilis lang naman eh. I'll make sure na makakaabot ka." I assured him with a smile kayat dahan-dahan siyang tumango.
Tss. As if.
END OF CHAPTER 19
Thanks for reading!
Vote and Comment ♥
BINABASA MO ANG
Chasing Hurricane
HumorHanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!