Chapter 2 : Deadly Mission

613K 20.1K 22K
                                    

{Puma’s POV}

“So how’s your day Puma?” Tanong ni Mommy habang sama-sama kaming nagdi-dinner ng family ko.

“The usual struggle mom, hirap ng physics! Wag na nating pag-usapan its traumatizing” I explained in between my chewing kayat tumawa lang sila ni Daddy. Im an only child so akin talaga napupunta ang attention ng parents ko and to be honest I love this kind of attention. 

“And your friends?”  Sabat ni Daddy

“Well sinumpong na naman si Chord ng kahayupan niya kaya ayun muntik mapaaway.” Hindi na ikinagulat nila mommy at daddy ang sinabi ko. They have known chord even while he’s still in her mom’s womb. Close ang friends ang parents namin eh, ganun din ang parents ni Dilly.

“And Andy?” Mom asked. Favorite ni Mommy si Dilly since mala-anghel ang mukha nun pati rin ang ugali. Kulang na nga lang sabihin ni Mommy na crush niya yun! Haha!

“Dilly is still Dilly. Kung anong kina-impakto ni Chord siya namang kina-anghel ni Dilly. By the way, Stop calling him Andy mom.” I reminded her.

“Nga pala may nanliligaw na ba sayo? Kamusta na yung sinasabi mong prince charming mong na-traffic?” Dad said sarcastically while doing his jazz hands kayat agad ko siyang sinamaan ng tingin.

“Dad wag kang atat na-traffic lang sabi ang prince charming ko at isa pa hindi ako nagmamadali. Sa mga librong nababasa ko, ang love hinihintay yan at hindi minamadali.”

“Well good! Sabihin mo diyan sa prince charming mong yan na wag nalang tumuloy kasi two years nalang  18 ka na.” Dad said kayat agad na nakunot ang noo ko.

“So what if I turn 18, magkaka-boyfriend ako kahit nasa 20’s na ako. Wala ka bang bilib sa kagandahan ko dad?!” I jokingly shouted.

“Anak may sasabihin kami sayo” Mom said calmly kayat automatic akong natigil sa pagkain.

Wait kagaya ba to dun sa movies at teleseryeng napapanood ko? Is this the part where bigla nilang sasabihing ampon ako? O baka is this the part where sasabihin nilang hanggang 18 lang ang lifespan ko?

“Puma baby, Noong mga bata pa kayo we made an agreement with Chord’s parents.” Dad said which automatically made me raise an eyebrow.

“What agreement? Don’t tell me you arranged me to be married with chord? Hahahahaha! Holy rambutan, ano yun kagaya ng mga napapanood ko sa mga palabas? Gaya ng mga nababasa ko sa wattpad? hahahaha! Pero seriously anong agreement ba yan?” I asked while still laughing kaso nagulat ako kasi hindi man lang tumatawa sina mommy at daddy. Theyre just looking at me.

I took my glass and gulped, “Whats up with that look?”

Nagpatuloy lang ako sa pag-inom ng tubig nang magsalita si Daddy, “Pinag-usapan namin ng parents ni Chord na kung mage-18 ka na tapos wala kang boyfriend at wala din siyang girlfriend edi kayo nalang dapat ang magkakatuluyan. Sapat na ang --------” Agad kong nabuga ang iniinom kong tubig sa mismong mukha ni Daddy kayat agad siyang natigil sa pagsasalita.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon