Chapter 13 : Platonic

279K 13.1K 8.7K
                                    

{ Third Person's POV }

"Nandito na po ako," Gabi na nang makauwi si Chord sa bahay nila. Gaya ng dati sinalubong siya ng kanyang ina.

"Ginabi ka ah? Kumain ka na?" 

"Binisita ko po kasi ang parents ni Dwight, tapos na po akong kumain" Palusot ni Chord at aakyat na sana ng kwarto niya ngunit pinigilan siya nito.

"Teka, nandun si Dilly sa balkonahe. Kanina ka pa niya hinihintay." Nagtaka si Chord, hindi ugali ni Dilly na bumisita sa bahay nila nang hindi kasama si Puma.

- - - - - -

"O Dilly kanina ka pa?" Nakangiting sambit ni Chord ngunit tumango lamang si Dilly. Nagtaka si Chord dahil ngayon si Dilly naman ang hindi nakangiti.

"Chord ano yung ginawa mo kanina?" Seryoso ang pananalita ni Dilly na siyang ipinagtaka nito.

"Ano pala ginawa ko kanina?" Kunot-noong tanong ni Chord.

"Gusto mo ba talaga si Hurricane o ginawa mo lang yun dahil sa kagustuhan ni Puma?"

Sa tono pa lang ng pananalita alam na ni Chord na pangangaralan siya ni Dilly kayat napabuntong-hininga na lamang siya.

"Kung ano ang makapagpapasaya kay Puma, yun ang gagawin ko. Bibihis lang ako, hahatid kita sa inyo" Pupunta na sana si Chord sa kanyang kwarto upang magbihis ngunit muling nagsalita si Dilly.

"Alam mo ba, akala ko noon mahal mo si Puma pero ngayon pakiramdam ko mali ako. Mahal mo ba talaga si Puma o ginagawa mo lang 'to para kay Paulo?"

Nawala ang ngiti sa mukha ni Chord nang marinig ang pangalan ng nasirang kaibigan. 

"Chord hindi ka namin sinisisi at siguradong hindi ka sinisisi ni Paulo kung nasaan man siya ngayon. Wala kang kasalanan" Nang marinig ito ni Chord ay tumalikod na lamang siya at umalis papunta sa kanyang kwarto.

- - - - - - -

{ Hurricane's POV }

I woke up to the sound of someone banging our gate. And no not "that" kind of banging, if you know what I mean. Nakakairita! Di ba uso ang doorbell sa kanya?!

I glanced at the clock, its almost 10 am. Damn it, napasarap pala ang tulog ko sabado kasi. I hurriedly wore my morning robe and fluffy slippers, Hindi ko na kayang pakinggan pa ang pangdi-distorbo ng kung sino mang nasa labas. Napaka-sakit sa tenga at nakakahiya pa sa kapitbahay.

"Good morning!" Puma greeted me with her usual smile and energetic self. This girl sometimes gives me the creeps. She's too happy about everything. I pity her once she realizes how fucked up the world really is.

"Puma meet doorbell, Doorbell meet Puma" I said sarcastically.

"Doorbell is not my style. Di mo ba ako papapasukin?" As if I have a choice. Pinapasok ko na lamang siya sa bahay, and just like Chord feel at home na agad siya.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon