Chapter 5 : Trouble is a friend

432K 16.4K 11.1K
                                    

Puma's POV

Nasa harapan na namin ang teacher namin kaso wala akong pakels. Inaabangan kong dumaan si Chord sa classroom namin. Hindi kami classmates bale magkatabi lang ang rooms namin kaya alam ko kung nakarating na ba siya sa room nila o hindi since nasa dulo 'to. The last time we saw him he was running away from Hurricane. Hindi niya ugaling mag-cutting classes, asan kaya yun?

"Puma sino na naman ang hinahanap mo?" Tanong ni Riza na seatmate ko. Nahalata niya siguro ang panay na pag-extend ng leeg ko.

"Wala parin si Chord eh, asan kaya yun?" 

"Hey realtalk what's the score between you and Chord?" Riza asked na para bang detective na ine-interrogate akin kayat nakunot ang noo ko. How come na kapag tungkol sa lessons eh super bored tong girl nato but when it comes to chismisan all ears siya?

"What score? He's my bestfriend eww" I said in a serious tone and gave him a Nababliw-ka-na-ba look. Damn why do they always assume na there's something going on between me and chord?

"Bestfriend? haha. A guy and a girl cant be just friends Puma" Riza said as she pulled out her phone and texted someone.

Sayo hindi kasi may kalandian ka. Joke lang yun lord. hehehehe

"Hey madami akong guy friends. That doesnt mean naging or magiging boyfriend ko sila" Giit ko habang nakangiti parin. Saglit na ihiniwalay ni Riza ang tingin sa cellphone at nginitian ako na para bang nakakaloko.

"Youre friends with Luigi right?" She asked. Wait friends ba kami nun? Ever since naging classmates kami noong second year walang ibang ginawa ang hayop na yun kundi pagtripan ako kasi class president siya. Kahit na tahimik lang ako inili-lista niya parin ako sa noisy para lang makapaglinis ako ng classroom!

Buti nalang talaga't nandiyan si Chord para ipagtanggol ako kahit minsan mismong si Chord ang nangt-trip sa akin.

"No? I think not. Chord and Dilly are my only guy friends" Di ako sure sa sagot ko pero nang dahil dun mas lalong lumapad ang ngiti sa mukha ni Riza.

"Teka anong Dilly?" Nagulat ako nang biglang lumingon sa amin si Yani na nakaupo sa harapan namin. Bilib talaga ako dito kay Yani marinig lang ang pangalan ni Dilly eh parang nawawala na sa sarili. Crush niya si Dilly -- wait no. She loves Andy Lim. I can tell the way she looks at him.

"Class nga pala we have a new student. Ngayon niya palang nafinalize ang schedule niya kaya ngayon pa siya pinayagang mag-attend ng class. Beautiful lady please introduce yourself" Maya-maya pay biglang pumasok si Hurricane sa classroom. The boys looked so amazed by her pretty face but the girls well you guessed it, super jealous.

Hindi ko inaakalang magiging classmates kami sana di niya kami i-bully! huhu. Pero infareness ang ganda na ng buhok niya ngayon kaya siguro nalate siya kasi inayos niya to.

"Hurricane Shane Velez. Shane for short. If you have nothing interesting to say, please dont talk to me" She said firmly at agad na umupo sa pinakalikuran ng room.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon