Chapter 25 : When the past reaches the present

277K 13.1K 6.1K
                                    

25.

When the past reaches the present

Puma’s Point of View

It’s Monday morning. Usually I’d be whining a lot but today is different. For the first time in my life Im happy that its Monday dahil makikita ko ulit siya. But not all things are positive dahil siyempre nag-aalala ako kay Shane since classmate ko siya.

Biyernes ng gabi nang huli kaming magkita ni Chord. Noong sabado at linggo wala man lang siyang text or message sa sns niya but then again, di naman talaga yun parating online dahil videogames ang inaatupag niya. Adik yun sa videogames eh. One time nga ilang araw siyang walang tulog dahil sa paglalaro. I really don’t get why he loves those games so much.

“Puma andito na ang sundo mo!”

“Opo!” Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay at gaya ng inaasahan ko, andun si Chord at hinihintay ako. Hindi siya nag-iisa, kasama niya si Dilly.

I miss this. I missed us. Magmula noon kaming tatlo ang magkakasama, nakakatuwang makitang magkasabay ulit kaming tatlo.

--------

“So kayo na?” Kinikilig na tanong ni Yani habang inaalog ang braso ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako, “Di pa ata. Ewan ko ba, nag-date lang kami,  holding hands. Ganun.” Nalilito ako sa takbo ng mga relasyon, NBSB ako eh. Mula pagkabata hanggang crush at romcom movie lang ako.

“Pero sinabi niya sayo na gusto ka niya? Aish! Si Chord talaga kahit kailan ang torpe!”

“Hindi… Pero nagpahiwatig siya noong biyernes eh. Pero baka assuming lang talaga ako. Huhu!” Inihiga ko na lamang ang ulo sa armchair ko.

“Kung di niya kayang sabihin sayo edi ikaw nalang mauna! Sabihin mo sa kanyang mahal mo siya kasi baka abutin kayo ng ilang daang taon kung patuloy kang maghihintay na mawala ang hiya niya.” Suhestyon ni Yani kayat napasabunot na lamang ako sa sarili ko. Ang hirap talaga nitong sitwasyon namin! Chord naman kasi eh!

Siguro ganito yung ibig sabihin nila ng MU. Mutual understanding pero walang boyfriend or girlfriend title. Ang hirap pero atleast wala na sa friendzone.

“Pero hanggang ngayon di parin talaga ako makapaniwala, noon kasi halos isumpa ko si Chord. Muntik pa nga akong mabaliw nang binalak nila mommy na ipakasal ako sa kanya tapos ngayon.. Waaaa! Jusko!” Muli akong napasabunot sa sarili ko.

“That’s how love works. It messes up your mind but it does make you happy by the end. Just hang on Puma.” Tinawanan lang ako ni Yani.

“Musta na kayo ni Dilly?” Tanong ko sa kanya.

“Forever friendzone. Wala eh, hanggang dun lang ata talaga.” Nakangiti niyang sambit. Siguro tanggap na niyang hindi talaga siya gusto ni Dilly.

“Puma nakita niyo ba si Cooper?” Nagulat kami nang bigla na lamang dumating si Luigi sa classroom habang hingal na hingal.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon