Chapter 17 : The Inspiration

272K 13.7K 8K
                                    

Puma's Point of View

Days came by so fast. Namalayan ko nalang, Intramurals na pala. Sa mga araw na lumipas unti-unti nang nasasagot ang mga katanungan sa isipan ko. Siguro ang talino ng hinayupak na nagpauso ng quote na "you dont know the value of what you have until its gone". Buminggo siya eh.

"Baby bakit minsan ko nalang nakikita si Chord?" Tanong ni Daddy habang nagbabasa ng newspaper.

Umagang-umaga binabadtrip ako ni Daddy. Ewan ko ba pero sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Chord nababadtrip na ako. Yung tipong nalulungkot na naiinis. Pero sa totoo lang di ko alam kung kanino ako naiinis, Sa kanya ba o sa sarili ko. Naiinis ba ako sa kanya dahil may kakaiba akong nararamdaman sa tuwing naririnig ang pangalan niya o naiinis ba ako sa sarili ko dahil ito ang nararamdaman ko. Hay buhay! Andaming tanong pero walang kasagutan! Buti pa sa exam, nasasagot ang mga katanungan kasi chinicheck ang papers.

"Puma? Tinatanong ka ng daddy mo." Napapitlag ako nang magsalita si Mommy. 

"D-di ko alam." pagmamang-maangan ko. Shit naman pwede bang gamitin ko yung linya ni Napoles.

"Puma nag-away ba kayo?" Biglang tanong ni Daddy. Bigla akong kinabahan, hindi ko alam anong sasabihin ko pero mabuti nalang talaga't tumunog ang door bell sa labas.

"O baka si Chord na 'yan." Paalala sa akin ni Mommy kayat agad akong napangiti. Dali-dali kong kinuha ang bag ko sa sofa. Kahit di pa ako masyadong ayos, okay na akong pumunta sa school tutal andito na si Chord.

Abot tenga ang ngiti ko ngunit agad itong nawala nang pagbukas ko ng gate, hindi si Chord ang bumulaga sa akin kundi ang mukhang paniking si Luigi. Nakakadismaya. Gustong-gusto kong umupo sa sahig at mangisay.

"Good morning Pumababes!" Bati niya sa akin.

"Walang good sa morning. hayop ka." Kahit walang gana'y sinara ko na lamang ang gate at naglakad paalis kasabay siya.

"Ang init ng ulo, umagang-umaga. Meron ka no?" Tila nanunukso niyang tanong.

"Meron. Meron akong mapapatay ang pangalan luigi."

"Pogi ba?"

"Di nga eh. Yung mukha nga niya parang pinunit ng sampung demonyo." Inisnaban ko siya ngunit tumawa lamang siya. 

"Alam mo ba yung mga katagang the more you hate the more you love?" Taas-baba ang kanyang kilay habang nakangiting-aso.

"Naku. So magkakatuluyan kami ni Cooper?" Sarcastic kong sambit. Di siya kumibo kayat napalingon ako sa kanya. Hindi na siya nakangiti. Deretso na lamang ang tingin niya habang naglalakad.

"Problema mo?" Bulyaw ko sa kanya ngunit umiling lamang siya. 

"Ano nga!"

"Sikreto ng mga pogi."

"Ah so di mo alam dahil di ka pogi." Pang-aasar ko ngunit di siya umimik. Ilang minuto din kaming tahimik habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Puma naranasan mo na bang magtago ng sikretong malupit?" Nagtaka ako sa tanong niya. Para rin kasing napakaseryoso niya.

Chasing HurricaneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon