Yna's POV
Sariwa pa samin ang nangyari sa close fight nina Nics at Sir Arland. Hindi ko akalain, namin na ganun ang mangyayari. Sana nung una pa lang pinigilan ko na sila. Hindi ko expect na ganito ang magiging resulta. Aish! Traydor kang luha ka. Ang bigat kasi sa pakiramdam. Ilang araw ng hindi nagigising si Nics. Kinakabahan ako na baka mangyari sa kanya yung nangyari kay Jenny.
"Anica, g-gumising *sub ka na. Bumangon ka *sub dyan. Please. Nahihirapan *sub na ko oh. Sorry... Sorry... *sub sana pinigilan na lang kita noon. Kaso ang tanga *sub tanga ko. Parang a-awa mo na g-gumising ka na *sub girlfriend ."
Ilang araw na siyang ganyan. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Maski kaming lahat nasasaktan sa kalagayan ni Nics. Masakit man sabihin pero kapag inabuso mo ang kapangyarihan mo pwede kang hindi na magising kasi makukulong ka sa bangungot o ilusyon.
"Vince tama na. Ilang araw ka ng ganyan. Malakas si Nics right? Trust her." Sabi ko sa kanya at ngumiti ng pilit.
"No... Hindi ko *sub kaya Yna. Ang sakit. Hindi ko kayang nakikita siya ng *sub ganyan. Kasalanan ko to eh!" Tuloy tuloy niyang sabi habang umiiyak.
Ito lang ang pagkakataong nakikita namin siyang nagkakaganyan. Ang isang cold at malakas na Vince Agustin umiiyak sa harapan namin. Hindi rin namin maiwasang maluha lalo na't nasasaktan siya ng sobra, matalik na kaibigan narin ang turing namin kay Nics kahit bago pa lang siya rito. Haist. Naiiyak na naman ako, ang bigat e!
Ramdam ko ang sakit na nadarama niya sa bawat salita niya. Alam kong siya ang pinaka nasasaktan samin lahat dito. Hindi niya akalain na ganito ang mangyayari sa pinakamamahal niyang babae.
"V-vince magpakatatag ka. Ayaw niyang nakikita k-kang ganyan." Naluluhang kong sabi sa kanya.
"H-hindi ko mapapatawad *sub ang sarili ko Yna. Ayaw *sub ko ng maulit pa yung *sub n-nangyari kay Jenny." Humagulgol na siya ng iyak. Lahat kami rito napapaluha dahil sa nararamdaman niya. Natrauma siya sa nangyari kay Jenny. Yung una niyang minahal ng sobra.
"Ssshhh. Malakas siya, hindi yun mangyayari okay?" Seryusong sabi ni Jade. Bihira lang siya maging seryuso pero alam mo talagang totoo.
"San ka pupunta Vince? Kailangan ka ni Nics." Sabi naman ni Brent sabay tayo. Kaso hindi sumagot si Vince at tuloy-tuloy ng lumabas.
"Hayaan niyo muna siya. He need to be alone." Deretso kong sabi. Sabay tingin sa maamong mukha ni Nics na napakahimbing na natutulog.
******
"Okay na ba siya?"
"Ahm. Opo kaso di pa nagigising sir." Sagot ko sa kanya
"Ah Sir Arland o-okay na po ba kayo?" Tanong naman ni Jade.
Tumango naman siya.
"Oo okay na ako. Kakalabas ko lang kahapon." Sagot niya sabay tingin kay Nics."She is different, alagaan niyo siya." Pagdaragdag pa ni Sir Arland.
Hanggang ngayon hindi pa namin maintindihan ang nangyari nung araw na yon. Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan namin... At isa lang ang makakasagot niyan.. Si Sir Arland.
"Opo Sir." Maikling sagot ko.
"I will just explain it to you ...soon. With her." Alam namin kung ano ang tinutukoy niya. Kaya napatango na lang kami.
"One more thing, kailangan niya si Vince." Pagkasabi niya nun. Lumabas na siya kasabay naman nun ay ang pagpasok ni Vince.
"V-vince" nauutal na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Hidden Queen
Teen FictionShe doesn't know who she really is. She is different. __________________________________ "All I need is love and not money nor popularity!!" (I love him so much I wish that he won't hurt me and always defend me.)