Third Person's POV
"M-Masaya na k-kami *sub para sayo *sub ." Kahit ano pigil ni Jade sa mga luha niya, kumakawala parin ito.
"M-Magpahinga *sub kana." Naiiyak na turan naman ni Brent.
"S-Sana *sub maging m-masaya k-ka sa *sub pupuntahan mo. W-Wag mo *sub kaming kakalimutan ha." Pagkasabi ni Yna sa mga katagang iyan, humagulgol na siya sa pag-iyak.
Hindi nila maipaliwanag ang mga nararamdaman nila. Lahat sila ay naiiyak dahil sa nangyayari. Niyakap nila ng isa isa si Anica bago kinumutan ng isang puting tela mula ulo hanggang paa.
Sa kabilang banda naman. Habang pumupunta si Vince sa Clinic, narinig niya ang mga iyakan ng mga kaibigan niya. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya, inis, galit, poot, sakit, at lungkot.
"No! H-hindi to maaari. *sub. Ang sakit." Yan ang sigaw niya sa kanyang isipan kasabay ang pagkalupasay niya sa sahig. Biglang nanghina ang kanyang mga tuhod kasabay ng pagkawala ng mga luha sa kanyang mga mata.
Pinilit niyang tumayo. Gusto niyang patunayan na hindi ito totoo. Ayaw niyang mawala ang babaeng minamahal niya na higit pa sa buhay niya. Pinihit niya ang doorknob ng pinto at doon tumambad sa kanya ang walang buhay na tao na kinumutan ng tela.
"V-Vince." Naiiyak na wika ni Yna sa kanya. Ngunit hindi niya ito pinansin bagkus nagtuloy- tuloy siya sa tapat ng taong minamahal niya na wala ng buhay.
"Ang sakit sakit!" Sigaw niya sa kanyang isipan.
Nanginginig ang mga kamay niya habang binababa ang puting tela. Ayaw niyang maniwala na wala na si Anica. Hindi niya kayang makita ito, pero huli na ang lahat.
"H-hindi. B-Buhay pa siya diba?" Hindi makapaniwalang sabi ni Vince sa kanyang nakikita. Sobra siyang nasasaktan sa mga nangyayari.
Wala na, wala na ang babaeng minahal niya ng lubusan. Yung babaeng kahit engot minsan, mahal niya parin. Wala na yung babaeng nagbibigay ngiti sa kanyang buhay. Wala na yung babaeng muling bumuhay sa puso niyang dating patay. Wala na yung babaeng yayakapin at hahagkan sa tuwing umaga. At wala na yung babaeng magiging ina, ng magiging anak niya.
"Bat m-mo naman ko iniwan Girlfriend. Hehe *sub akala k-ko forever na tayo." Kahit pilit niyang ngumiti, kumakawala parin ang mga luha niya. Niyakap niya si Anica at hinalikan sa labi kahit wala na itong buhay.
"G-Gumising *sub kana. Nasasaktan *sub na ko oh." Niyuyugyog niya si Anica baka sakaling gumising siya kaso wala paring nangyari.
"G-Girlfriend naman. *sub mahal na mahal na kita e. A-Ang unfair mo." Humagulgol sa pag-iyak si Vince. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.
Naiinis siya dahil sa kapabayaan niya. Nagagalit siya dahil sa kamangmangan niya. At nalulungkot siya dahil sa pagkawala ng babaeng minamahal niya.
BINABASA MO ANG
Hidden Queen
Teen FictionShe doesn't know who she really is. She is different. __________________________________ "All I need is love and not money nor popularity!!" (I love him so much I wish that he won't hurt me and always defend me.)