CHAPTER 17

9 0 0
                                    

Anica's POV

It was been weeks when it happened. Hindi ko talaga akalain na bakit ganun ang nangyari. But then, malinaw na sa akin ang lahat. ISA yun sa powers ko...yeah, sabi kasi ni Sir Arland. Five abilities raw ang meron kami. Tinuruan niya rin ako kung paano gamitin yun. At salamat kasi marunong na ko.

Halos araw-araw niya akong tinuturuan. Noon nga may doubt pa ko sa kanya pero nung tumatagal, gumagaan na ang pakiramdam ko sa kanya. Feeling ko nga ako na ang favorite niya e! HAHAHA assuming. Kasi naman, pag ako nagkakamali pinapagalitan niya ko tapos tinuruan ako kung paano talaga ang tamang paggamit nito.

Pero isa talaga ang pinakatumatak sa utak ko. Kapag nakikipaglaban ka, isipin mo ang sarili mo at hindi ang kalaban mo. Laban kung laban, may ibang oras sa landian.

Si Lax? Lagi rin niya akong tinuturuan. Minsan nga napepressure ako kasi ang galing niya. Halos alam niya lahat ng gagawin ko. OO naglaban na kami pero nanalo siya. But I'm happy to say na nahirapan rin siya. Ang seryuso ko kasi pag ganun e. Sanay na ko. Walang salitang LOVE kung panahon ng labanan.

Isa pa sa tinuro niya sakin, using your mind when you want to say something privately. Nung una, naging OA ako pero nasanay na naman ako. Kayang kaya ko narin. Iilan lang ang nakakagawa nun. Yung mga nasa Sigmanians at mga Harlax Soldiers. Basta yung may sapat na kapangyarihan para gawin yun. Mauubusan ka kasi ng lakas kapag pinilit mo.

Sabi pa ni Sir Arland, huwag namin abusuhin ang kapangyarihan namin kasi masyado raw itong mapanganib. Pwedeng maapektuhan ang katawan namin kasi nga yung buhok namin kailangan ng nutrients. Pwede ka nitong papayatin kaya kailangan ng proper nutrition of the body.

Ito ring mga nagdaang mga araw, hindi ko maintindihan ang sarili ko. Minsan ayaw ko sa malamig, minsan rin gusto ko sa mainit. Hindi ko maintindihan. Aisshhh! Hindi ko pa to sinasabi sa kanila. Di pa nga ako sure diba?

Andito kami ngayon sa Training area ng Harlax Sub Island. Halos di ko na nga maramdaman na may binubuhat ako. Remember? Yung gravity. Ganun din naman sila, nasanay na. Minsan nawawalan kami  ng time ni Lax para sa isa't isa pero naiintindihan rin naman namin. Busy kami masyado sa training. Tsaka lagi naman kaming nagkikita at naglalambingan pagkatapos ng training. Tuwing umaga nagjojogging kami kasama sina Brent, Yna, at Jade pero minsan nakakatamad rin. Ang aga e!


Hidden Queen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon