1

7.4K 168 0
                                    

1

Walang mga programa sa telebisyon ang tatalo sa panonood nang paglubog ng araw. Ang kanyang kulay tsokolateng mga mata ay seryosong pinapanood ang paghalik ng araw sa dagat.

The way this breathtaking scenery happens, it gives the peace that a person wants after a stressful and tiring day.

"Dr. Menendez, nakahanda na po yung mga gamit niyo sa kotse." Wika ni Jopet sa kanya.

Binaba niya ang tingin sa binatang si Jopet. "Thank you, Jopet. Nasaan si Kapitan?" Tanong niya at nag-umpisang lumayo sa dalampasigan.

"Naroon ho sa bahay niya, Doc. Ang sabi niya ay baka pwedeng magmeryenda muna ho kayo bago bumiyahe pauwi ng Maynila." Magalang na sagot naman ni Jopet, na medyo maingat sa pananalita dahil naiintinimidate siya sa presensya ni Zander.

"Ganun ba?"

Tumango naman si Jopet. "Huwag niyo na hong tanggihan ang Kapitan. Lubos po ang kanyang pasasalamat dahil dalawang beses niyo pong pinili ang lugar namin para sa medical mission po ninyo."

Tumango na lamang si Zander at nagpasama kay Jopet na pumunta sa bahay ng kapitan.

Isang bungalow ang nasabing tirahan ng kapitan na si Mr.Delfin Del Mar kasama ang kanyang pamilya. Magiliw na sinalubong siya ni Delfin at ng kanyang pamilya.

"Dr. Menendez! Maraming salamat at pumayag kang magmeryenda rito sa bahay." Niyakag siya ni Delfin papasok sa kanilang bahay.

Marahang tinapik ni Zander ang balikat ng kapitan pagkatapos ay bumati sa butihing maybahay ni Delfin, si Karidad Del Mar.

Sa tabi ni Karidad ay ang labing-tatlong taong gulang niyang anak na babae na kasalukuyang nakatingala sa doktor at may namumulang mukha. Bakas ang paghanga kay Zander.

Napansin naman iyon ni Karidad kaya pasimple niyang sinikuhan ang anak. Nagitla naman ang dalagita at napansin ang pagnguso ng ina. Bigla siyang nahiya dahil halata kasing may paghanga siya kay Zander.

"Ahm, hello po." Nahihiyang sabi niya, hindi na naalis ang pamumula ng pisngi.

Halos himatayin siya nang mabaling ang tingin ni Zander sa kanya.

Mahabaging Bathala dahil halos humiwalay ang kanyang puso sa dibdib dahil ang mga mata niya ay talagang may kakayahang magpaibig sa sinumang mga kababaihan.

"Siya ba ang panganay niyo?" Tanong ni Zander habang nakatingin sa dalaga.

"Siya nga. Si Klarissa." Pakilala naman ng kapitan sa kanyang dalagitang anak.

Pasimpleng inipit ni Klarissa sa tenga ang hibla ng buhok.

"Naku! Halika na sa hapag-kainan, Dr. Menendez. Sigurado akong sa tatlong araw na inyong pagtatrabaho sa aming lugar ay malamang hindi ka pa nagkaroon nang matinong kain." Magiliw na pag-aaya naman ni Karidad.

Sa hapag ay masaya naman silang nagsasalo-salo ng meryenda. Idagdag pa ang kuwentuhan at siyempre ang pinakapaksa ay walang iba kung hindi si Zander.

"May nobya ka na ba, doktor?" Tanong ni Karidad. Napaayos ng upo ang kanyang anak na si Klarissa, halatang interesado sa magiging sagot ni Zander.

Lahat ay nakaabang sa kanyang isasagot.

Tipid na ngumiti si Zander at sumagot, "Wala po akong nobya. Sa ngayon ay nasa trabaho ko ang aking buong atensyon."

"Ganun ba? E, ilang taon ka na ba Dr. Menendez?" Tanong muli ni Karidad na gulat pa rin sa sagot ng binatang doktor. Paanong walang nobya ang ganito kakisig at kagwapong lalaki? Idagdag pang isa siyang propesyonal!

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon