27

2.3K 87 2
                                    

27

The sound of a car engine made her eyes opened. Sumalubong kay Kandisse ang liwanag sa kanyang mga mata sa kanyang pag-gising.

Pagkabangon niya ay sumilip siya sa bintana at nakita ang sasakyan ni Zander na palabas na ng gate. "Hindi ba siya masyadong maaga?" Komento niya.

Umalis na siya sa may bintana at dumiretso sa banyo, habang papalakad sa banyo ay bigla siyang napaatras ng hakbang sapagkat napansin niya ang orasan, "8AM?!"

Napahawak siya sa kanyang magkabilaang pisngi, "Ugh, I overslept!"

Kaya naman pala paalis na ang doktor sapagkat oras na. Bakas sa hitsura ni Kandisse ang guilt dahil sa ideyang baka umalis ang doktor na hindi man lang niya napaghain ng almusal.

Napabuntong-hininga na lamang siya habang nagsisipilyo sa harapan ng salamin.

Habang siya ay nagpupunas ng kanyang bibig ay biglang may imahe ang sumagi sa isip niya.

Tama!

Ang kanyang panaginip kung saan kayakap niya si Zander at walang suot na pang-itaas. "It felt so real." Komento niya habang hinahaplos ang kanyang mga braso. Ang kanyang kanang kamay ay umakyat pataas upang hawakan ang kanyang labi, "The kiss felt so real too."

Pakiramdam niya ay totoo ang kanyang panaginip, like Zander's warm bare chest and his soft and hot lips against hers.

Mabibilis niyang ipinilig ang kanyang ulo, pilit inaalis sa kanyang isipan ang isang napakagandang panaginip.

"Kasalanan 'to ni Maddie, nagiging pervert na ako." Usap niya sarili at muling hinilamusan ang kanyang mukha upang matigil na siya sa kanyang kahibangan.

Pagkababa ni Kandisse ay dumiretso siya kaagad sa may dining area, habang siya ay papalapit sa ref ay napansin niya sa dining table ang food cover.

Iniangat niya ang food cover at nakita niya ang nakakatakam na pagkain.

"Such a healthy eater." Komento niya habang pinagmamasdan ang breakfast burrito na napupuno ng iba't ibang gulay, meron ding scrambled egg at kaunting bacon sa loob. Alam talaga ng binatang doktor ang healthy lifestyle.

Tinikman din niya ang pure mango smoothie na nakahanda rin sa tabi ng burrito. "Mmm, the best!" Kakagat na sana siya ng kanyang burrito nang makatanggap siya ng mensahe sa kanyang phone.

Nakita niyang mula kay Zander ang mensahe.

You overslept, I made the breakfast today.

Dali-dali namang siyang nagreply dahil alam na alam niya na ayaw ni Zander ang pinaghihintay.

I'm sorry, Doc Zander for oversleeping. Thank you for the breakfast!

Napasimangot naman si Kandisse dahil wala na siyang natanggap na reply kaya naman gigil na gigil niyang kinain ang kanyang burrito.

Madali namang nakalimutan ni Kandisse ang pang-iignora ni Zander sa kanya dahil sa mga sunod-sunod na orders niya ng cupcakes at ibang pastries.

Sinamahan pa nga siya ni Maddie sa pagpapack ng mga nagawa niya. Tuwang-tuwa pa nga si Maddie dahil lagi siyang may pa free taste.

"Hmm!" Napapikit sa sarap si Maddie nang tikman niya ang isang tart, "Ang sarap naman ng fruit tart na 'to."

Napangiti naman si Kandisse sa reaksyon ng kaibigan. Hindi na lamang cupcakes ang kanyang ibebenta, pati na rin iba pang pastry gaya ng tarts.

"Kandisse, you should try made-to-order cakes too!"

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon