6

2.6K 105 5
                                    


6

Pumasok siya ng simbahan na habol-habol niya ang hininga at mahigpit ang hawak sa gamit na dala.

Hindi nila ako pwedeng masundan.

Lumuhod siya sa may luhuran at taimtim na nagdasal.

Nahihiya siya sa mga nakakatabi dahil alam niyang iba na ang kanyang amoy. Idagdag pang puno ng mantsa ang damit.

Napatingin siya sa paa niya at ganun na lamang ang gulat niya nang makitang isang tsinelas na lamang ang kanyang suot.

Hala! Saan naman napunta 'yon?

Dali-dali siyang tumayo. Nasa bukana na siya ng simbahan nang biglang mabuksan ang violin case at nahulog ang ilang laman niyon.

"Ano ba iyan!"

"Miss tabi!"

Ito ang mga naririnig niya sa mga taong papalabas ng simbahan. Matapos magsimba heto at naninigaw ng kapwa!

"Gotcha!" Masayang wika niya nang makita ang huling flashdrive. Maayos niyang inilagay iyon sa case.

Pagtayo niya ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan.

Brown eyes, thick eyebrows, long and curly lashes... Zander Menendez is in front of her.

Amoy na amoy niya ang bango ni Zander sa kabila ng distansya meron sila.

Seryoso ang kanyang tingin sa kanya. Ibinaba niya ang tingin sa kanyang paanan at tila panandaliang lumambot ang ekspresyon niya. Ibinalik niya ang titig kay Kandisse.

"Anong ginagawa mo rito?" Matigas na tanong ni Zander sa kanya.

Hindi alam ni Kandisse paano niya haharapin at kakausapin si Zander. Ang walang pansapin na paa ay kumakamot-kamot sa kabilang paa. Mahigpit ang kapit niya sa case.

"Tumakas ka ba sa center?" Sunod na tanong ni Zander.

Tumango-tango lang si Kandisse. Dinig niya ang pagbuntong-hininga ni Zander.

"Follow me." Utos ni Zander at naglakad na palabas ng simbahan.

Paghakbang ni Kandisse ay bigla siyang natigilan.

"Ipapahamak mo lang ang mga taong lumalapit sa'yo!"

"I will find you! Kill anyone who you talk or ask help with."

Iyon ang mga boses na naririnig niya. Kaya naman lumihis siya ng daan at di sinundan si Zander.

"I'm sorry, Doc Zander. Baka mapahamak ka pa." Iniwika niya pa sa sarili habang naglalakad sa may gilid ng daan.

Napasigaw siya ng may isang itim na sasakyan ang tumabi at binusinahan siya.

Humahangos na bumaba roon si Zander at galit na galit. "NEYENS! WHAT THE HELL?! Di ba sabi ko sumunod ka sakin?!"

Hindi naman siya makasagot.

Naiinis na isinuklay ni Zander ang kanyang buhok. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat.

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon