51

2.4K 101 11
                                    

51

"What is it all about, Sig?" Zander asked then he took a sip from the wine glass. They are now in a restaurant where Sigrid mentioned. Katatapos lamang nilang kumain ng kanilang early dinner.

Sa totoo lang ay uwing-uwi na si Zander dahil gusto na niyang makausap at makita si Kandisse gamit ang Facetime.

Tumikhim si Sigrid at naging seryoso ang tingin, "How are you and Kandisse?"

Natigil siya sa paglalaro sa bibig ng wine glass at ibinaling ang tingin kay Sigrid na seryosong nakatingin din sa kanya.

"Sig, are you okay?" Imbes na sumagot ang dalaga sa kanya ay kinuha lang ng kaharap ang sariling wine glass at inubos ang laman.

"Hindi ka pa ba tapos sa kanya?"

He's taken aback on what she said like it is just a simple question. "Anong klaseng tanong 'yan?"

"Zander, hindi ako umuuwi sa mansyon ngayon. Nalaman kasi nina Dad na nagkahiwalay na tayo." Dugtong ng dalaga.

Nagsalubong ang kilay ni Zander, "Ano namang kinalaman nang paghihiwalay natin doon?"

Bago sumagot si Sigrid ay dali-dali niyang kinuha ang bote ng wine upang lagyan ang kopita at muling uminom. "Zander. You listen to me, okay?" Bumuntong-hininga muna ang dalaga bago muling nagsalita. "There is a reason why dad accepted me in his abode again. It's because of you."

Litong-lito ang mga mata ni Zander, hindi niya kasi talaga maintindihan ang mga sinasabi ng dalaga. "I did not ask your father." Turan niya.

Tumango naman si Sigrid, "Yes, you didn't. Zander, si Dad at si Tito Andrew, they talked to each other. Alam nila na may relasyon tayo. They have this assumption that the both of us will get married, so they decided to merge their companies. Ang pharmaceutical ni Dad at ang biotech company ninyo."

"What?!" Hindi mapigilang tumaas ang boses ni Zander.

"Once we get married, we'll lead the merged companies. You will be the chief medical officer." Dagdag pa ni Sigrid pero lalong lang sumakit ang ulo ni Zander.

Napailing na lamang si Zander nang may mapagtanto. Kaya pala noong mga araw na nakakasama niya ang ama ay lagi niyang tinatanong ang ideya niya tungkol sa pharmaceutical at biotechnology.

"The reason I let you go Zander, is because of the merging. Alam kong babalik ka sa'kin. Zander, your father is going to accept you again. Sabi pa ni Dad, tutulungan ka raw ni Tito Andrew na itayo ang pinakainaasam mong ospital." Hinawakan ng dalaga ang kanyang kamay na nakapatong sa lamesa, "Zander, this has been your goal. It is your ambition here we're talking about."

Marahang binawi ni Zander ang kanyang kamay mula kay Sigrid, nakita niyang nasaktan ang dalaga sa kanyang ginawa.

"Sig, my family met Kandisse already."

Humalukipkip si Sigrid at naging matapang ang hitsura, "Really? Anong sabi ni Tito Andrew?" Natahimik naman si Zander, hindi niya kasi alam ang sagot. His father has no reaction at all when he introduced Kandisse at the Casa. "Hindi ka makasagot. Zander, don't you miss your mom and Denver, hmm?"

Hindi na naman siya nakaimik, alam niya kung saan patutungo ang sinasabi ni Sigrid. "Stop now, Sigrid. Kung inaasahan mong makikipagbalikan ako sa'yo, then no."

"God, Zander. I know you're just fucking that stranger!"

Hindi mapigilang ihampas ni Zander ang palad sa lamesa, sanhi para mapalingon ang ilang kumakain roon, pero hindi natinag si Sigrid.

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon