33

2.1K 86 4
                                    

33

Kinabukasan ay magang-maga ang mga mata ni Kandisse pagkagising niya. Hindi niya expect na magigising siya nang maaga, gaya ng kanyang nakasanayan.

Gayunpaman ay nagsuot na siya ng kanyang polo shirt at pantalon para sa kanyang pagpasok sa café.

Habang siya ay nagsisipilyo ay bigla siyang may inindang sakit. Doon niya napansin ang kulay lila na pasa sa kanyang bandang braso. Sinubukan niyang pindutin iyon pero napapikit na lamang siya sa sakit.

Paglabas niya ng kwarto ay pinakiramdam niya ang kwarto ni Zander, tahimik iyon, malamang ay tulog pa siya.

Nagsimula siyang naglakad ulit at bumaba, dire-diretso siyang pumunta sa pintuan pero napatingin siyang muli sa may kusinahan.

Mariin siyang napapikit, at naiinis na bumalik sa may kusina. Hindi niya balak magluto, sa halip, inilapag niya sa dining table ang breakfast cereals na madalas kainin ni Zander, at nagbrew ng kape sa coffee maker.

Hindi ko pa rin siya matiis.

Matapos iyon ay dumiretso na siya sa café, nagtataka naman sina Jane dahil maaga siyang dumating.

"Anong nangyari dyan?" Nginuso ni Joel ang kanyang pasa.

Napatingin naman si Kandisse sa kanyang pulso, "Ah, nadulas kaya nagkapasa." Pagsisinungaling niya.

Sunod namang nakaturo si Joel sa kanyang namamagang mga mata, "Eh bakit namamaga mga mata mo?"

"Nanood kasi ako nung pelikula, iyong film adaptation nung novel ni Nicholas Sparks." Sagot naman niya ulit. Laking pasasalamat niya at hindi na muling nang-usisa pa si Joel.

Nagpatuloy ang kanyang araw sa café, habang sila ay nagtatanghalian ay nagkukuwentuhan silang staff kasama si Ma'am Jane.

"Guys, may store incentive ako!" Magandang balita ni Jane. Naghiyawan naman ang lahat. Tinapik naman ni Jane ang balikat ni Kandisse, "Salamat sa ating angel in disguise! Tumaas sales natin!"

Umiling-iling naman si Kandisse, "Naku, ako nga dapat magpasalamat sa inyong lahat." Sagot niya at pinasalamatan ang bawat isa.

"Ang bait! Anghel talaga!" Wika ni Joel sabay inom sa kanyang baso.

"Kaya crush kita Kandisse eh!" Naghiyawan naman sila ng sabihin iyon ni Jim. "Pero seryoso, crush ka namin nitong si Joel."

"Ahm, paano ba 'to?"

Natawa naman si Jane sa kanya dahil sa hindi niya alam kung ano ba ang dapat sabihin kay Jim at Joel.

"Wag kang mag-alala, Kandisse. Hindi ka naman guguluhin ng mga iyan."

Ngumiti naman si Kandisse at nilingon sina Jim, "Ah, s-salamat sa uhm, appreciation."

"Uy, Kandisse. Wag ka sanang ma-awkward." Bakas sa tono ni Joel ang pag-aalala.

"Naku, hindi." Tanggi naman ni Kandisse at ngumiti naman ang huli.

Naghiyawan sila ulit dahil sa pamumula ng pisngi ni Joel.

Nagsalitang muli si Jane, "Gaya nga ng sabi ko kanina, I got my store incentive and I think it is only right to treat you guys tonight!"

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon