3

3.5K 119 0
                                    

3

Hindi alam ni Kandisse kung bakit hindi niya matagalan ang kanyang titig kay Zander. Kung matitigan man niya ang doktor ay pigil niya ang hininga at halos magwala ang kanyang puso.

She does not know either why she feels safe when he is around. Para bang kumakalma ang lahat ng kanyang buong sistema kapag nariyan siya. The same feeling when he got out from his car and touched her, pakiramdam niya hindi na siya dapat matakot dahil ipagtatanggol siya ng doktor sa sinuman at anumang mananakit sa kanya.

Kahit na sobrang seryoso siya at mukhang suplado ay magaan ang loob niya sa lalaking doktor. Pakiramdam kasi niya may malalim siyang koneksyon sa lalaki.

Minsan nga ramdam niya ang pamilyaridad sa kanyang mukha pero hindi niya matandaan at hindi siya sigurado kung nagkita na nga ba sila ng lalaki, pero ang puso niya, parang kilalang-kilala niya si Zander.

"May iba pa bang masakit sa'yo, Miss Neyens?" Tanong ni Zander sa kanya.

Umiling-iling si Kandisse at kasabay noon ay ang pagkalam ng kanyang sikmura, kaagad niyang itinakip ang mga braso sa kanyang tiyan.

Napakagat-labi siya at yumuko sa kahihiyan. Naramdaman niyang lumapit ang lalaki, bahagya pa siyang napaatras sa headboard ng kama nang makalapit si Zander hanggang sa may kung ano siyang pinindot sa may gilid ng kama, isang intercom pala.

"This is Dr.Menendez from room 403-A." Sambit niya sa kabilang linya.

Pinagmamasdan niya ang seryosong doktor na nagsasalita, ultimo kibot ng kanyang mga mapupulang labi ay nasusundan niya.

"Magandang hapon 'ho, Dr.Menendez. Si Luigi po 'to." Sagot naman ng isang staff sa cafeteria.

"Please deliver complete heavy meal for the patient in room 403-A. ASAP."

"Okay po, Doc!"

Nilingon siyang muli ni Zander at muntik siyang mapasinghap. "Parating na iyong pagkain mo. Please don't try to escape again. Ang mga interns ang bahala sa'yo." Napatingin si Zander sa kanyang wristwatch. "I still have a surgery to do, so don't do unnecessary things again Miss Neyens. You behave."

Parang bata namang tumango siya. Akmang aalis na si Zander pero hinawakan ni Kandisse ang laylayan ng white coat niya kaya napatigil siya.

Kunot-noong lumingon si Zander at napatingin sa kamay na nakahawak sa laylayan ng kanyang coat. "What is it?"

"Have you seen my things?"

He tilted his head to think. "The violin?"

"Yes."

"I'll give it to you later."

"Okay." She replied with a soft voice.

Muling naglakad palapit sa pintuan si Zander ngunit may pahabol pa rin si Kandisse.

"Doc Zander." Lumingon namna si Zander sa kanya. "Thank you." She said and she gave her sweetest smile, it was the most angelic smile of all.

Zander does not have any emotion seen in his eyes instead he just replied with a nod and took his leave.


         Pagkalabas ni Zander sa kwarto ni Kandisse ay panandalian siyang nanatili sa may tapat ng pintuan.

Nang ngumiti sa kanya si Kandisse ay parang pamilyar sa kanya kagaya ng mga mata niya.

Napatingin pa siya sa saradong pintuan bago tuluyang naglakad palayo. Ganun na lamang ang pagtataka ni Zander nang namataan niya ang dalawang intern nurse na pinagalitan niya kanina, na kausap ang kaibigang si Dr.Ivan Marco, katabi ng kwarto ni Kandisse.

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon