11

2.6K 93 9
                                    

11

Mahihinang tapik sa kanyang balikat ang nagpagising sa kanya. Mahimbing pa ang kanyang pagtulog pero pagkamulat ng kanyang mga mata ay kaagad siyang bumangon dahil sa taong gumising sa kanya.

"Tumayo ka na diyan. Eat your breakfast. Tapos ay magbihis ka at may pupuntahan tayo."

Di man lang kumurap si Zander habang nagsasalita siya na walang kaemo-emosyon ang hitsura.

Mukhang tapos nang mag-almusal si Zander dahil tanging isang plato na lamang ang nakahanda roon. He cooked well-rounded and delicious pancakes.

Mabilis ang kanyang kilos pati ang kanyang pagbibihis. She just chose a simple tee and a pair of skinny jeans. Mabuti na lang at may nabili siyang sandals na pwedeng pang-alis.

Pagkalabas niya ng banyo ay laking pasasalamat niya at mabilis ang kanyang pagkilos dahil nandoon sa may sofa si Zander nakade quatrong upo at naghihintay.

Sinulyapan siya ni Zander at nang makitang handa na siya sa pag-alis ay tumayo siya. "Let's go." Aya niya.

Napasimangot naman si Kandisse dahil sa malamig na trato sa kanya ng lalaki. Hayun at nasa may labas na ng gate ang D-MAX niya at hinihintay siya.

Inilock niya ang bahay at pumasok sa may front seat. Para di mapagalitan ay agad niyang isinuot ang kanyang seatbelt.

Walang ano-ano ay pinaandar na niya ang sasakyan. Tahimik lamang silang dalawa sa loob pero naglakas loob si Kandisse na magsalita.

"Saan tayo pupunta, Doc Zander?" Tanong niya.

Wala siyang natanggap na sagot. Kaya naman isinandal na lamang niya ang ulo sa bintana at pinanood ang mga nadadaanang lugar.

Tumigil sila sa isang flower shop. Si Zander lamang ang bumaba at pagbalik niya ay may bitbit na siyang arranged flowers na nasa basket.

Tumagal pa ng dalawampung minuto ang kanilang biyahe hanggang sa makita ni Kandisse ang kanilang destinasyon.

She read what is written on the entrance. Everest Hills Memorial Park.

Itinigil ni Zander ang sasakyan sa isang tabi at bumaba sila. Nagulat naman si Kandisse dahil pinagbuksan pa siya ni Zander.

Pagkababa niya ay kinuha ni Zander ang bulaklak sa likod ng sasakyan at pinindot ang alarm.

Namangha naman si Kandisse sa isang mausoleum na nasa kanyang harapan. Pang-mayaman talaga ang estilo at disenyo.

May inilabas na card si Zander at itinapat sa isang scanner, then voila,  bumukas ang pintuan.

Namangha sa loob si Kandisse. Kulay puti at powder blue ang pintura. Puti rin ang marmol na sahig. May iilang litrato or portraits ang naroroon na nakatapat sa mga puntod.

May isang may edad na lalaki na mukhang strikto. Nakasuot siya ng unipormeng tulad ng mga sundalong may mataas na katungkulan. May mga badges at medals na nasa coat niya, sandamakmak iyon.

"He's our great grandfather, General Mauricio Roman Laude-Menendez. A former general of the Armed Forces of the Philippines." Pagpapakilala ni Zander.

Napatingin naman si Kandisse sa isang litrato. Di tulad nung matandang lalaki ang matandang babae ay may maaliwalas na mukha at kulay brown ang mga mata tulad ng kay Zander.

"She's our great grandmother, Ameliana Gutierrez-Menendez."

"Is she a doctor?"

Baka sa kanya nanggaling ang dugong doktor ni Zander.

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon