26

2.2K 96 11
                                    

26

"We're going home."

All the three of them look at Zander. They probably sense the seriousness of his tone.

Nakita ni Kandisse kung paano haplusin ni Sigrid ang kanang braso ni Zander. "Okay ka lang ba?"

Tumango-tango lang si Zander, "I'm just tired. Aren't you?" Tanong naman pabalik ni Zander.

Nalipat naman ang tingin ni Sigrid sa kanilang dalawa ni Ivan. Huli na para bawiin ni Kandisse ang kanyang tingin sa kanila.

"You're right, and we have work to do tomorrow. Ivan, si Franz?"

Hindi maiwasang mapalunok ni Kandisse sa kaba dahil sa tingin ni Sigrid sa kanya, kahit pa si Ivan na ang kanyang kausap ay sa kanya pa rin nakatingin si Sigrid.

"He will probably stay until the rave." Bahagyang tinapik ni Ivan ang kanyang baywang, trying to get her attention. "Kandisse." Nilingon naman niya ang katabi. "Ihahatid ko si Sigrid dahil parehas lang kami ng way, you go with Zander."

"O-Okay." And she hates herself because she stammered like she was guilty something.

"Message me when you're home already, Zands. You drive carefully." Habilin ni Sigrid.

"Okay." Then Zander lowered down his head and kissed Sigrid's cheek. "Ivan." Ivan saluted and offered his arm to Sigrid.

Pinanood ni Kandisse ang paglayo ng dalawa.

"Let's go."

Nagmadali namang naglakad si Kandisse para makapantay sa paglalakad si Zander, ngunit dahil sa mabibilis niyang lakad ay naapakan niya ang dulo ng kanyang gown sanhi para matisod siya, nagtataka naman siya kung bakit hindi pa siya dumiretso sa sahig.

That is because there is a strong-armed person who is holding her waist.

"Why are you so clumsy?" Ramdam niya ang iritadong boses ni Zander. Kaya naman dali-dali siyang tumayo.

"Sorry."

Hindi na sumagot ang lalaki bagkus ay nagpatuloy lang sa paglalakad. Hindi katulad kanina, ngayon ay nakakapantay na ni Kandisse ang lakad ni Zander, tila binagalan kasi ng lalaki ang paglalakad.

Sa may façade, silang dalawa ay naghihintay sa valet upang maihatid ang sasakyan ni Zander. Isang metro ang layo nila sa isa't isa, sinadya ni Kandisse na dumistansya dahil sa takot niyang umiral ang pagiging clumsiness niya. Ayaw na niyang dagdagan ang galit ni Zander.

"Mi hijo."

Dahan-dahan namang napalingon si Kandisse dahil sa isang boses na may tonong Kastila.

Nakikita niya ang mestizang ginang na nakasuot ng kulay gintong gown na may mahahabang manggas. Ang buhok niya ay natural na paalon at lumagpas sa balikat.

"Mamá."

Hindi naman maiwasang mamangha ni Kandisse sa Spanish accent din ni Zander, if only Maddie is there, for sure magtititili ang babae dahil dumagdag sa sex appeal ni Zander ang tonong Kastila.

Ang babaeng nakikita niya ay ang ina ni Zander, the famous Dorina Menendez. Who will think that this mestiza lady is a mother of three? Tila nakikita niya ang Latin version ni Dawn Zulueta.

Niyakap naman ng ginang si Zander. "Mi hijo, I am so glad that you went here. It meant so much to me." Hinaplos ng ginang ang pisngi ng anak, bakas na bakas ang pangungulila sa mata ni Mrs. Menendez.

Hinawakan ni Zander ang kamay ng ina na humaplos sa kanyang pisngi at hinalikan iyon. "Te quiero, Mamá."

Kahit isang metro ang pagitan nakikita ni Kandisse ang kumikinang na mata ng ginang. "Anak, bakit hindi pa kayo mag-usap ng Papá mo? Ang tagal na ng alitan niyo, and he could help you build your hospital."

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon