49 (SPG)

2.8K 99 6
                                    

49 (SPG)

Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa malambot na couch pagkarating nila mula sa Casa. Ramdam na ramdam ni Kandisse ang pagod mula sa biyahe. Alas dos na ng madaling araw sila nakauwi ni Zander sa Pineview.

Habang nakatitig sa kisame ay siyang pagtalon ni Beau sa couch at nagsimulang dinilaan ang kanyang mukha.

"Beau, stop." Hindi niya mapigilang mapahagikgik dahil sa kiliting nararamdaman.

Hinuli niya kaagad si Beau sa mga kamay at humiga sila patagilid. Hinaplos-haplos niya ang mukha at balahibo ng aso na ngayon ay kalmado nang nakahiga at nakatapat sa kanya.

She heard a clicked sound making her and Beau looked for it. Nasa may gilid pala si Zander ng couch at hawak-hawak ang kanyang Sony compact camera.

Iniunat niya ang kanyang kamay, "Patingin."

Iniabot ni Zander sa kanya ang camera at umupo sa tabi niya. Nagustuhan ni Kandisse ang kuha ni Zander na kasama si Beau. "Send it to me once you transferred it on your phone."

Tumango naman si Zander habang hindi napigilan ang kanyang paghikab

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumango naman si Zander habang hindi napigilan ang kanyang paghikab. "It's late, we should sleep." Aya ng lalaki sa kanya.

Parang bata naman si Kandisse na inilahad ang dalawang kamay para magpabuhat. "Carry me, please."

Hinaplos ni Zander ang kanyang mukha bago maingat na binuhat at iniakyat sa kwarto.

"Baby, open the door please." Iniabot naman ni Kandisse ang doorknob at pinaikot iyon. Marahan siyang binaba ni Zander. "You do your thing first in the bathroom. I'll just rest for a while."

Pinagmasdan niya si Zander na hapong-hapo na umupo sa sofa at hinihilot ang pagitan ng dalawa niyang mga mata.

Naawa naman siya sa kasintahan, ngayon siguro naramdaman ang lahat ng pagod para sa buong linggo na iyon. Kapag nagkakausap sila ay sobrang tambak ng trabaho si Zander, may research na inaasikaso, may duty bilang isang orthopedic surgeon, at ngayon ay kailangan pa niyang dumaan sa isang training para sa transition process.

Imbes na dumiretso sa banyo ay umupo siya patagilid sa mga hita ni Zander at pinaikot ang mga braso sa kanyang batok. "Pagod ka na."

Nginitian siya ni Zander at hinalikan ang kanyang pisngi, "I'm okay. Mauna kanang gumamit sa banyo."

Napanguso naman siya at hinaplos-haplos ang buhok ni Zander, "Sabay na tayo. Baka makatulog ka na diyan, hindi komportable kung makatulog na nakasuit pa." Napapikit si Zander dahil sa mararahan niyang pagsuklay sa kanyang buhok.

He slightly pinched her waist, "Alright." Then he carefully carried her.

They both took a shower in the bathroom. Zander must be really tired because despite seeing her naked body, he did not take her there. Instead, he was so gentle in scrubbing and washing her body quietly. Ang lalaki pa ang nagpunas ng kanyang katawan, at nagpatuyo ng kanyang buhok gamit ang hair dryer.

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon