58

3.4K 126 18
                                    

58

"Good morning, Doc! Dala ko na po iyong flight details ninyo sa Eastern Samar. These folders are the updated health profile ng mga pasyente, tapos–ahm, Doc?"

Ang kanyang sekretarya ay natigil sa pagsasalita dahil tila hindi naman nakikinig si Zander, at tulalang nakatitig sa kanyang Ipad screen, to be more specific, he's looking at Kamilla Svensson's picture where the woman has been featured from Vogue magazine, and she's the cover page.

Magtatatlumpung minuto na siyang nakatitig doon.

"Dr. Menendez?"

Napatingin siya sa kanyang sekretarya na si Harriet. "Is she really that famous?"

"Huh?" Bakas ang pagkalito sa mukha ni Harriet, wala kasing koneksyon ang tanong ng doktor sa kanyang nirereport.

Itinapat ni Zander sa kanya ang kanyang Ipad at napaawang ang kanyang bibig, "Oohh lala! Boss! Iyan ba jowa mo po? Shit! Ang ganda, ang hot!"

Itinapat ni Zander sa kanya ang kanyang Ipad at napaawang ang kanyang bibig, "Oohh lala! Boss! Iyan ba jowa mo po? Shit! Ang ganda, ang hot!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napasimangot naman si Zander at binawi ang Ipad mula kay Harriet, "Harriet, you have a girlfriend."

Yes. His secretary is a lesbian and he does not mind at all.

Humalakhak naman si Harriet, "Dedz na dedz ka diyan, boss. Eh, sino ba 'yan? Anong gayuma ginamit mo sa kanya?" Sinamaan niya ng tingin si Harriet at tumawa na naman ang huli, "Joke lang po! Ayaw kong masisante. Pero, hindi ko ho kilala 'yan."

"She's a famous model."

Pagkauwi nila mula sa party noong isang araw ay kaagad nilang hinanap ni Denver sa searching site ang pangalang Kamilla Zyn Svensson, and they found out that she's a famous model in Europe, and the heiress of the multinational conglomerate S&L Empire.

Hindi lamang siya ang nabibigla, dahil maging si Denver ay gulat na gulat. Ito raw kasi ang unang pagkakataon na ipinakilala na ni Sebastien Svensson ang kanyang pinakatago-tago niyang anak. Maingat at bantay-sarado raw kasing ama si Sebastien.

Napangisi naman si Zander. Iniisip niya kasi na kung alam lang ni Sebastien na ilang beses na niyang naangkin ang kanyang unica hija ay marahil ay hindi na siya buhay ngayon.

"Boss, ang manyak ng ngiti mo. Eww."

"Get lost!"

Itinaas lang ni Harriet ang kanyang mga kamay, "Fine, fine! Magpapapasok na ako ng pasyente, Doc! Tama na yang pagpapantasya mo kay Miss Barbie." Huling wika ni Harriet at isinara ang pintuan.

"Tss." Muli niyang tinignan ang litrato, "Kamilla Zyn." Napabuntong-hininga na lamang siya atsaka pinindot ang lock button ng kanyang Ipad.

Tumayo na siya at kinuha ang kanyang white coat.

"I'll find out what happened to you, baby. Let me work first."

Dahil mayroon na siyang clinic ay puro consultation ang kanyang ginagawa at pagbibigay ng mga prescription.

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon