8

2.4K 111 1
                                    

8

Matapos ang hapunan ay tahimik na pinagmamasdan ni Kandisse si Zander.

Nasa may sofa kasi ang doktor at busy sa kanyang Ipad. Kahit nasa bahay na ay trabaho pa rin ang inaatupag.

Nakailang lunok na si Kandisse habang nasa may kandungan ang notebook ni Owen.

Ilang beses nang nahuhuli ni Zander ang paninitig ni Kandisse sa kanya.

"What are you staring at?" Malamig na tanong niya.

"I'm not." Tanggi ni Kandisse at nilihis ang tingin.

Umiling lang si Zander. Alam niyang nakatitig si Kandisse sa kanya. Kaya naman pinindot niya ang camera ng Ipad at pasimpleng itinapat sa may lugar ni Kandisse nang hindi nahahalata. He touched the record button.

Poker face lang si Zander, habang dahan-dahang tumitig si Kandisse kay Zander.

"Stop staring." Panghuhuli ni Zander.

"Hindi nga!" Tanggi na naman ni Kandisse.

Tumayo si Zander at iniabot ang Ipad sa kanya. Nagtatakang tumingin si Kandisse kay Zander.

"Anong gagawin ko?"

Ginalaw ni Zander ang ulo para sabihing tignan niya ang nais ipakita sa Ipad.

Namula ang mukha ni Kandisse nang mapanood ang sarili.

"What a liar." Pag-akusa ni Zander at inagaw ang Ipad mula kay Kandisse.

Tumayo na si Zander at nagsimulang maglakad palayo, nasa ikalawang baitang na siya ng biglang tumakbo doon si Kandisse.

Nasa may tapat lang siya ng hagdanan at hindi umaakyat. Off limits kasi siya roon.

"Doc Zander!"

Lumingon naman si Zander. His head is slightly tilted with his strong arms crossed on his chest.

Ipinakita ni Kandisse ang notebook. "Ito oh. Notebook ni Owen."

Nangunot ang noo niya. "I don't know that guy. Now, go to sleep."

Pagkaakyat sa pangatlong baitang ay tinawag niyang muli si Zander.

"Owen is a big fan of yours. Mabait siya, Doc Zander. Gusto niyang kumuha ng medicine course. You inspire him. Look!" Ipinakita niya ang laman ng notebook. "See? Nakasubaybay siya sa'yo. Kaya baka pwedeng pirmahan mo 'to at bigyan man lang ng words of encouragement." Nakangiting sabi ni Kandisse.

Walang reaksyon si Zander.

Nawala ang kanyang ngiti, pero magpupumilit pa rin si Kandisse.

"Nahihiya kasi siya sa'yo. You look so intimidating, kaya I had the initiative to do it for him." Mahinang paliwanag niya.

"It doesn't mean na pinayagan kitang maglagi sa bahay ko, you can order me around, Kandisse."

Umiling si Kandisse at kinumpas ang kamay, "I'm not ordering you around. Nagrerequest lang naman. Come on, it's just a simple request."

"Stop it! It's not my sign that would make him a doctor. That's pathetic." Maangas na sabi niya.

"But you can help him believe that he can do it just like what you did! Pwede mo siyang matulungan just by giving him a message that would inspire him to become a doctor in the future. Doc Zander, he can make it! If only there's someone who believes that he can. Lalo na ang isang katulad mo ang magsabi sa kanya niyon. That guy has been through a lot."

Sarkastikong tumawa si Zander. "Enough! And wait, are you shouting at me?"

"H-Hindi naman." Utal niyang sagot.

Just Like Twin FlamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon