Railey Pov
"Talaga?"-napalaki ang mata ko ng makita ko si Sean na nasa likod ko. Sigurado akong narinig niya lahat ng sinabi ko. Nakakunot ang noo niya ng ngitian ko siya. 'Patay ka na talaga ngayon!' Pati na naman konsensya ko kinokonsensya ako?
"Hahahaha captain, iba ka talaga, matinik. Manghihiram na lang ng bra kulay pink pa"-sabi nung nakahikaw saka nagtawanan yung mga kasama niya. "Shut up Drake!"-inis na sabi ni Sean.
Di lang siya pinansin nung mga kasama niya at nagpatuloy lang ito sa pagtawa."Captain, huhulaan namin kung anong cup ang hinihinram mo, it's either C or D"-natawa na din ako sa sinabi nung kaibigan niya.
"Is either you stop or else yo die"-napatahimik naman ang lahat pati na rin ako sa sobrang seryoso ni Sean. "All of you, get out"-pinanuod ko naman yung mga kasama niyang parang aso na sumusunod sa utos ng amo nila.
"At ikaw?"-ibinaling ko sa kanya tingin ko at binigyan siya ng t'ako ba ang kinakausap mo?' look.
"Don't mess up with me"-inis niyang sabi. Ako naman ngayon ang napakunot ang noo. "Excuse me Mr. Anderson, ikaw nga itong ginugulo ang buhay. Saka nasan na yung phone ko at yung credit card at iba pang gamit ko aber?"-nakapameywang kong tanong sa kanya.
Napangisi naman siya bago umalis sa harapan ko at kinuha yung phone ko sa bag niya.
"Catch"-nagulat ako ng bigla niyang ihagis sa akin yung phone ko buti na lang at nasalo ko. Sinunod niyang ihagis sa akin ying credit card ko pati na rin yung lip gloss na hiniram ko pa kay Candy. "Wala ka na bang ikaba-bastos pa?"-inis kong tanong saka isa-isang pinulot yung mga inihagis niyang gamit ko.
"Di mo naman siguro ine-expect na magpapasalamat ako sayo dahil pinagpalit mo ang cellphone natin right?"-he fired back.
"Whatever Anderson"-ibinigay ko na sa kanya yung cellphone.
"By the way, kanina pa may tumatawag sayo"-sabi niya sa akin bago ako tinalikuran. Tinignan ko naman yung call log at puro si miss call galing kay Candy. Hay si Candy nga pala. I-dial her number pero out of coverage na. Nagsimula na akong kabahan dahil baka kung mapano yung kaibigan ko.
"What? Anong ginagawa mo diyan sa Police Station?... Really Damian? Kanina nagpa-practice lang tayo tapos nandiyan kana ngayon sa Police Station?... Ano? Sinong babae ba?"-babae? Police station. Nagsimula na akong kabahan. Di kaya si Candy yun?
"Hoy sinong babae daw?"-niyugyog kong bahagya yung braso ni Sean. "What the fuck! Bitawan mo ako"-sabi niya habang inaalis yung kamay ko sa braso niya.
"Tanungin mo please kong sino yung babae"-tinignan niya muna ako bago muling nagsalita sa cellphone niya. "Fine.. Damian sino daw yung babae na kasama mo?"-mas kinakabahan ako. Ano kayang masamang nangyari kay Candy? Oh my, pagnalaman ito ng mommy niya baka sa ibang bansa na siya pag-aralin or worst itakwil na siya.
"Candy Parker daw, ano kilala mo ba siya"-di na ako sumagot dahil nagtatakbo na ako palabas. Huhuhu besty ano bang nangyari?
"Hey, san ka pupunta?"-sigaw na tanong niya sa akin. Ay oo nga pala, saan ako pupunta? Agad agad akong bumalik sa kanya. "Saan bang police station yun?"-natataranta kong tanong sa kanya.
"Sasamahan na kita"-di niya sinagot ang tanong ko. Hindi ko sure kung tama ba na sumama ako sa lalaking di ko naman kilala.
Habang papunta kami sa parking ng school nakasalubong namin yung mga teammate niya na halatang paalis na din at kasama na duon si Sheen. Oh my! Biglang bumilis ang tibok ng puso ng nalipat ang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Mission For My Confession✔
Teen FictionAng tanging misyon lamang ni Railey sa kanyang last year sa high school ay ang masabi ang lihim na nararamdaman niya sa kanyang ultimate long crush na si Sheen. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay naibigay niya ang kanyang confession letter sa ib...