Railey's Pov
Nasa gilid lang kami ng gym habang pinagmamasdan yung mga school mate naming nagtatatalon dahil sa pagkapanalo nila Sean. Dati isa kami sa kanila. Yung tipong makikipagsisikan, may hawak na banner at isisigaw ang pangalan ng mga bet player namin.
Naramdaman mo namang namula ang mga pisngi ko ng biglang tumingin sa direksyon namin si Sheen. Oh my, nakakahiya. Alam nga nya pala yung ginagawa ko dati.
"Di ka man lang ba pupunta dun para i-congratulate si Sean?"-nagtatakang tanong ni Candy. God, alam nga pala nila na boyfriend ko si Sean. Pero alam kong alam ni Candy na patay na patay parin ako kay Sheen.
"Ah oo nga hehehe."-sabi saka tumayo at hinawi ang mga tao para makababa sa gym. Naramdaman ko namang sumusunod sa akin si Candy.
Okay. Super awkward. Lahat tumigil sa pagchi-cheer at pinapanuod lang ako habang papalapit sa kanila. Nagsimula na ring magbulung-bulungan. God. Nakakahiya.
Kasi naman, parang di naman kami magboyfriend / girlfriend dahil sa mga kinikilos namin. Napatingin na rin sa amin yung cheering squad saka yung basketball team.
"Hi"-bati ko kay Sean habang nakayuko. Nahihiya ako sa nanguari kanina sa library. First day palang ng pagiging kami super awkward na. Baka di ko na kayanin kung tatagal pa. Naramdaman ko naman yung titig sa aming dalawa ng iba niyang team mates. Kapag sinabi kong team mates kasama na dun si Sheen. Railey, slow down. Hinga.
"You really look stupid nerd"-napaangat naman ako ng tingin kay Sean dahil sa sinabi niya. Tinawag niya akong nerd? For god sake.
Pero agad naman napalitan ng pagkainis ko ng makita yung mukhang niyang natatakpan ng buhok niya. Bakit ang gwapo pa rin niya kapag pinapawisan siya. Geez. Ano ba Railey ang iniisip mo. Kabatabata mo pa nag-iisip ka na dyan.
"Take a picture, it's last longer"-bigla namang namula yung mukha ko dahil sa sinabi niya. Nagtawanan na rin yung iba ng mga kasama. Oh my. Nakakahiya ka talaga Railey. Could you be more stupid?
"I was just so amaze how anyone could be so ugly"-my statements gains laugh ang claps.
"Whoah, pare kay Railey ako oh. Pustahan na. Boom."
"Pahingi ng popcorn"
"Putek, bakit walang sumusuporta kay captain"
"Naku baka magalit yan. Hahahahaha."
Nakarinig pa ako ng ilang kantyaw galing sa iba. Narinig ko naman si Penny na nag-ayang umalis.
Then everyone suddenly stop laughing when Sean placed his hand on my shoulder. Unti-unti niyang nilapit yung mukha niya sa akin. I froze. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naaamoy ko yung pabango niya. Oh no. Gusto ko siyang itulak pero yung mga mata niya parang magnet na hinihila ako papalapit sa kanya.
Hahalikan ba niya ako?
Wait? Virgin pa itong lips ko.
No way.
Di ako makakapayag na lapastanganin niya ang aking lips.
Pero bakit ganun, di ako makakilos. Parang huminto ang mundo ko. Eto na ba yun? Yung hahalikan ka sa harap ng maraming tao.
Di ko alam kung may mga sariling utak ba ang mga mata ko dahil kusa itong sumara.
One
two
Three
Four
Five
Limang segundo na ang lumipas ng naramdaman ko ang paglapat ng mga labi niya sa tip ng ilong ko. Automatic namang dumilat at gumising ako sa panaginip ko. God. Stupid, bakit ko ba iniisip na hahalikan niya ako. Ew., mandiri ka nga Railey.
BINABASA MO ANG
Mission For My Confession✔
Teen FictionAng tanging misyon lamang ni Railey sa kanyang last year sa high school ay ang masabi ang lihim na nararamdaman niya sa kanyang ultimate long crush na si Sheen. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay naibigay niya ang kanyang confession letter sa ib...