Chapter Thirteen

154 5 3
                                    

Candy

"One ticket please." Sabi ko sabay abot sa cashier ng ng credit card ko. Bumili din ako ng isang large bucket of barbecue popcorn and water for my drinks. Gusto kong manuod ng isang French movie then tamang tama lang na may nakita akong place kung saan nagpapalabas sila ng mga lumang French and British movies. With subtitles naman.

Walang tao sa loob. Like literally. Ako lang yata. It's looks like I rented the whole place for myself. Pagkaupo ay dun lamang ako nakahinga ng maluwag. Paano ba naman buong weekend ay hindi ako lumabas ng unit ko sa takot na baka makasalubong ko si Damian. Hayst. Napapasapo ako sa noo ko tuwing naaalala yung naabutan kong eksena. Then Drake, he's another story. I can't believe na siya pala iyon. Kung minamalas ka nga naman.

Nagsimula na yung pelikula at pinilit ko ialis sa isipan ko yung mga nangyari last week. Medyo guilty nga ako kasi pinatay ko yung phone ko kaya hindi ko nacontact si Beshy. Tapos kanina pa ay tinakbuhan ko siya nung makitang nakabuntot sa kanya si Sean. Yung dalawang iyon ang labo pa rin para sa akin. Like duh, patay na patay siya kay Sheen then in one snap magiging sila ni Sean. Huwag lang niyang papaiyakin si Railey, lagot siya kay Uncle Harry.

Nagtakeout ako ng pancake at naggrocery din ng mga essential stocks para sa condo ko. Nakakahiya nga kasi hindi ko masuklay ng maayos ang buhok ko kasi hindi ako nakapag-conditioner. Ugh, kung malalaman lang ito ng nanay ko tiyak na bukas na bukas din ay may glam team na ako. Thank God, kung may guard man ako ngayon na hindi ko nakikita ay hindi niya masasabi iyon sa nanay ko. Sakit din ng isang matandang iyon sa ulo.

Ngayon ko lang naalala na dapat pala ay dumaan muna ako sa condo ko at hindi dumiretso dapat sa cinema. May nakita kasi ako kanina sa school na nagle-lend ng house cleaning service na student sa school. Tinawagan ko para mapaayos ko na yung mga appliances ko na buong weekend ay hindi man lang nagalaw sa kanilang boxes. Pati yung mga laundry ko! Maghahanap nalang ako ng maglalaba or place na naglalaundry.

It's 8:57 pm. 3 hours na din ang lumipas at sa tingin ko ay tapos ng naglinis yung inutusan ko. Nakakahiya lang kasi hindi ko nabayaran. Sa susunod nalang siguro. Sabi ko kasi sa text ay magpapalinis ako sa kanya hanggang matapis ang school year.

Napataas naman ang kilay ko sa linis ng condo ko. Nakakabit na rin yung tv pati yung playstation. Tas napansin kong nagpalit siya ng mga ilaw. Hayst sayang wala siya para personal akong magpasalamat at maibigay ko na din yung bayad plus tip ko sa kanya.

Dumiretso ako sa kwarto and I can fully say na satisfying yung kalinisan at talagang organized yung mga gamit ko. Pati nga dresser ko ay inayos niya.

Kaso hindi ko makita kung saan niya nilagay yung mga pantulog ko. Huhu. Hinalungkat ko yung pinakababang drawer para makita kung nandun pero wala. Hanap, halungkat. Nagulat ako ng medyo naguho yung pagkakaayos ng matapos kong mahanap yung hinahanap ko. Kumuha ako ng malinis na towel at inihagis yung mga marurumi ko kung saan na lamang.

Gusto ko ng matulog at magpahinga. Hindi ko alam kung ako lang ba yung taong naglalagay ng make up para maging presentable kang tingnan pero at the end of the day super tamad kang magtanggal. Gusto ko na talagang matulog. Dapat mag-invent din ng robots na tagatanggal ng make ups and gagawa ng night routine mo.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa kusina. Nakalimutan ko kasing ilagay kanina yung mga tinakeout ko sa ref. Kumuha na rin ako ng tubig dahil bukod sa antok na antok ako ay uhaw din ako.
Napahinto lang ako sa paglalakad ng may marinig akong kumakatok.

Hmm. Sino naman kaya ito? Nanlaki ang mata ko at tinignan siya nula ulo hanggang paa. Isa pang pasada at naramdaman kong bumagsak ang panga ko habang nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa kanya. Napabalik lang ako sa sarili ng hawakan niya ang baba ko para isarado ang bibig ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya pero imbis na sagutin ako ay tuloy tuloy sya sa pagpasok sa unit ko ang prenteng umupo sa sofa. Napansin ko din yung dala niyang bagpack. "Wait lang po mister, anong ginagawa mo dito?" Ulit kong tanong sa kanya habang nasa pinto pa din ako.

"I'm gonna crash here tonight." Kumunot ang noo ko. Ready na akong magrecite ng dahilan para paalisin siya pero ahad niyang dinugtungan ang sinabi niya. "I'm being kicked out. This is the only place I know that I could spend a night. It's pretty big and I'm so tired and feel so oppressed cleaning it without compensation."

"Oh!" Wait huwag niyang sabihin na siya ang nag-ayos nito? Pinamulahan naman ang nga pisngi ko habang iniimagine ko sa yung scenario na inaayos niya pati yung nga undies ko. Nangilabot naman ako sa thought na yun. Witnessing how he look topless last Friday night tas nagtutupi siya ng mga damit ko. God, nakakahiya.

"Ikaw?" Tinanong ko pa rin siya kahit alam ko na ang kasagutan. Napanguso ako ang I felt defeated. Kahapon lang namomoblema pa ako kung paano ko siya titingnan sa mga nata without imagining things. Tapos ngayon nandito siya prenteng nakaupo sa sofa.

"Not all people are like you. A princess living in a castle. Guarding by an army and have a servant." Masungit niyang sabi na may halong pang-iinsulto.

"Pero you can't sleep here. Isa lang ang kwarto dito at isalang ang kama." Pagdadahilan ko para narealize naman niya na hindi ako komporatble na nandito siya. Nung nakaraang Linggo kaya ko pa siyang tarayan pero ngayon. Ugh, bakit ko pa kasi nakita yun. My eyes widened when the idea sink in. "Don't tell me are you planning to sleep with me?" Nilagay ko ang kamay ko sa aking bibig. Para mag-add lang ng drama. Siya naman ngayon ang kumunot ang noo. "What do you mean sleep with?"

Maang-maangan din ang isang manyak na ito. Anong akala niya. Kahit gwapo pa siya hindi ako bibigay no!

"Are you really thinking I would sleep with you."

"Hoy, Damian! Fyi lang ah hindi kita tupe at lalong hindi ako kagaya ng mga babae mo!" Medyo natawa siya pero pinigilan niya lang. Kinalma niya ang sarili niya saka tumayo. Malalaking hakbang ang ginawa niya para mapaglapit ang distansya sa pagitan naming dalawa.

"My, my, my, you and your smart mouth. A while ago, my planned was to spend a night here. But you're giving an idea how to enjoy my stay." Naging husky and boses niya habang sinasabi iyon. Napaatras na naman ako at di ko mapigilan maiplay yung imagination ko sa kanilang dalawa ni Beatrice. Lord, nagkakasala ako sa mga nakakadiring nangyayari sa aking imahinasyon. Sana naman po iligtas nyo pa rin ako sa manyak na ito.

Pinigilan kong umiyak sa harap niya at patuloy na umatras hanggang makabig ko pasarado ang pintuan. Napangisi naman siya ng marinig ang pagsarado niyo. Tiningnan niya ako ng masinsinan sa aking mga mata. "Now tell me Ms. Parker, how you want to spend your night with you?" Hindi ako sanay sa pagiging malandi niya. Don't get me wrong, alam kong matinik siya sa babae pero sanay akong masungit siya.

Halos mapatalon ako ng lumapat ang kamay niya sa kaliwang balikat ko. Gusto ko mang tanggalin ang mga iyon ay tila napako ang mga paa ko sa aking pwesto at nagyelo ang dalawang kamay ko. Napalunok ako ng sunod sunod at hindi alam ang gagawin. Gusto kong umihi dahil natatakot na ako na may halong excite. Huh? Ang labo ko naman dun.

Basta nakakalasing ang mga tingin na pinupukol niya. Yung bigat ng kamay niya ay ramdam ko dahil nagdagdag ito sa bigat ng paghinga ko. Feeling ko maiiyak ako ng inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko. Pumikit ako para hindi ko nakita kung saan maglalakbay ang kamay niya.

"Next time, try to wear something  sexy so I didn't assumed things, Ms. Parker." Bulong niya saka naramdaman kong maingat niyang inayos ang suot kong roba upang matakpan ang ilang parte ng aking dibdib na may takot na dumikit ang kanyang kamay sa aking balat.

Hinawakan ko ang mga ito habang pinapanuod siya pumasok sa kitchen.

Author Note:
I planned to update earlier but I accidentally deleted this chapter and I had to rewrite it again. 🤦🏻‍♀️🤦🏻‍♀️

Mission For My Confession✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon