Candy's POV
Napapikit na lang ako pagkasakay na pagksakay ko sa kotse ni Drake. Okay, ano bang kalokohan ang pumasok sa isipan namin at isipin na gagawin nilang dalawa yun sa ganung lugar. Anong klaseng kaibigan ba ako at pinanghinalaan kong gagawin ni Railey yun.
"Hahahahaha"-napabaling ako ng tingin kay Drake. Anong tinatawa nito?
"Alam mo Candy, nakakatuwa yung expression mo nung ginawa mo yun kanina. Hahahaha pffftt.."-napairap na lang ako sa kanya. Gusto ko siyang sigawan at patikimin ng sapok ko pero masyado na akong pagod para gawin yun.
"Di ka parin nagbabago"-agad naman akong napatingin sa kanya. Ako? Hindi pa rin nagbabago?
"Ano na naman ba ang pinagsasabi mo?"-tumingin siya sa akin at saka ngumiti bago tuluyang paandarin ang kotse.
Halos limang minuto kong hinintay ang sagot niya. Nakangiti lang din siya sa mga oras na iyon. "Nagulat ako ng makita ko si Mrs. Parker dun sa labas ng police station. That time inisip ko na baka kasama niya yung childhood friend ko"-nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. "Drake? Ikaw si Drake na school mate namin sa East Wood?"-di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
No. Hindi maaari.
Halos gumuho ang mundo ko ng nakangiti siyang tumango. This can't be happening! No.
"Ba-bakit di mo sinabi sa akin agad?"-tanong ko sa kanya. Napapikit na lang ako. I hate him. I really do.
Huminga muna siya ng malalim bago sumagot. "Akala ko galit ka sa akin at nagpapanggap na di mo ako kakilala. Pero ilang beses na kitang hinatid at dun ko lang nalaman na hindi mo pala ako natatandaan."-shit.
Kailangan ko ng makaalis sa sasakyang ito. No. Kapag ginawa mo yun baka akalain niya na patay na patay ka pa rin sa kanya. Pero....
"Sorry.."-napapikit ako ng marinig mula sa kanya yung salitang iyon. Dati ko pa gustong marinig iyon. Huminga ako ng malalim, please luha, konting tiis pa, huwag kang tutulo.
"Lollipop-"
"Huwag mo akong matawag tawag sa pangalang iyan"-sigaw ko sa kanya bago bumaba sa sasakyan niya at nagtatakbo papuntang elevator. Buti na lang at wala akong kasabay.
Fuck! Bumabalik na naman ang sakit. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko.
Mabilis akong lumabas sa elevator at pumasok sa condo ko. Pagkasaradong-pagkasarado ko sa pintuan at kusang bumuhos ang mga luha ko. I hate you Drake Lopez. Sana di nalang kita nakita o sana di ka nalang nagpakilala. I hate you.
Napaupo akong umiiyak habang tinatakpan ang bibig ko.
"Para kang tanga dyan"-agad naman napaangat ang ulo ko sa lalaking nagbukas ng ilaw. Nanlaki ang mata ko ng makita ang huling lalaking gusto kong makita.
"Anong ginagawa mo dito? Magnanakaw ka no? Instalker?"-tumayo na ako. Anong ginagawa ni Damian dito?
Halos lumuwa ang mata ko ng marealize na topless siya. Only a piece of cloth covering his ano, you know na yun. Napatitig ako sa abs niya at napalunok. Okay. Candy, relax. Shit. Alisin mo yung tingin mo.
God. Parang may magnet yung mga abs niya at kahit anong gawin ko ay hindi ko pa rin maialis ang mga tingin ko.
"Stop drooling"-napabalik naman ang tingin ko sa kanyang mukha. Nakacross arm siya habang nakasandal sa divider ang katawan niya.
"Hoy, ang kapal na man ng mukha mo. Kahit kelan di ko pagnanasaan ang katawan mo. At isa pa, bakit ka nakapasok sa unit ko?"-tanong ko ulit sa kanya. Napakunot naman siya ng noo.
"Excuse me, this is mine. You are the one who is trespassing and not me"-nilibot ko naman agad ang kabuuan ng unit na ito. Shit.
"Ah, eh, hehehehe sorry, aalis na ako."-sabi ko marealize ko ang pagkakamali ko. Okay. Bakit ba ang hilig kong ipahiya ang sarili ko.
Kinuha ko na yung bag ko at tinalikuran siya. Akmang bubuksan ko na sana ying pintuan ng makarinig ako ng boses ng babae.
" babe ready na ako!"-halos malaglag ang panga ko ng lumabas mula sa isang kwarto si Beatrice ng walang saplot.
Nanlaki din ang mga mata niya ng marealize niyang hindi lang silang dalawa ang nasa kwarto.
Di ko na hinintay na may sabihin siya dahil agad akong lumabas at pumasok sa katapat na unit.
"What the fuck is that?"-sa tingin ko hihimatayin na ako dahil sa nangyari ngayong araw na ito.
BINABASA MO ANG
Mission For My Confession✔
Fiksi RemajaAng tanging misyon lamang ni Railey sa kanyang last year sa high school ay ang masabi ang lihim na nararamdaman niya sa kanyang ultimate long crush na si Sheen. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay naibigay niya ang kanyang confession letter sa ib...