Chapter Four

3.1K 104 19
                                    

Railey Pov

"Besh paabot nga ng isa pang cookies"-utos sa akin ni Candy habang nandito kami sa bleancher at hinihintay matapos ang practice nila Sean.

"Besh akala ko ba diet ka? Eh pang sampung cookies mo na to ah?"-reklamo ko habang inaabot sa kanya yung box ng cookies na binake ni mommy kaninang umaga.

"Hmm, bukas ko na lang pala sisimulan."-napairap na lang ako saka ibinalik ang tingin sa mga nagpa-practice ng basketball.

Di ko maiwasang mapangiti habang pinapanuod ko si Baby Sheen na naglalaro ng basketball.

"Besh, utang na loob. Tigilan mo na ang kakangiti diyan. Para kang eng-eng."-napanguso naman ako saka hinampas sa braso si Candy.

"Besh pwede bang suportahan mo na lang ako. Saka eto na yung pagkakataon para mapalapit ako sa kanya"-iniisip ko palang na magkasama kami si Sheen ay di ko na kakayanin dahil sa sobrang kilig.

"Besh papano ka naman mapapalapit sa kanya kung yung girlfriend ay umaaligid."-nginuso niya sa akin ang papalapit na grupo ng mga babae.

Si Penny Quin. Queen ang tawag sa kanya ng lahat dahil lagi siyang pinanlalaban ng beauty contest. Cheerleader ng campus at syempre epal na girlfriend ni Sheen.

Syempre kapag sinabing Penny The Queen di mawawala ang mga the minions niya. Beatrice, Darlene, Yna, at Camilla. Pangalan pa lang naglalandi na.

"Besh chill ka lang, baka malusaw sa kakatingin mo"-buti na lang at nandito sa Candy kundi baka nasambunutan ko na yun.

Ewan ko kung bakit naasar ako sa kanya. Ewan ko kung dahil ba mas maganda siya sa akin. Mas sexy siya sa akin? Dahil sa natural blonde hair niya samantalang plain black lang yung sa akin? Eh bakit ba? Mas matangkad naman ako sa kanya, curvy nga lang siya. O di kaya matalino siya samantalang ako boblaks. Oh dahil... Oh dahil siya ang mahal ni Sheen?

"Besh,tigilan mo na nga yang pagkukumpara mo sa sarili mo kay Penny dahil besh I tell you wala kang binatbat."-sabay tawa niya ang malakas. Pinaloko naman siya ng mahina sa braso.

"Ouch ah, nakakadami kana."-sabay himas niya ng braso niya.

Napansin ko naman na papunta si Penny at ang mga minions niya sa amin. "Besh pupunta yata sila dito"-bulong ko kay Candy.

"So? Ano naman kung pupunta sila dito? Di naman siguro nila tayo papalayasin para lang umupo sa pwesto natin diba. Saka wala silang karapatan gawin yun. Di naman sa kanila to."-may halong pagkairita sa boses ni Candy habang sinasabi iyon. Naalala din niya siguro ng may pinalayas silang babae nun sa cafeteria para lang may maupuan sila.

"Nasasabi mo lang yan kasi isa ang mommy mo sa board member nito school"-hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaalam na nandito ang nag-iisang anak na babae ni Mrs. Carolyn Parker.

"Walang kinalaman dito si mommy saka isa nga siya sa dahilan kung bakit natin kailangan hintayin ang mga kutong lupa na yan matapos sa pagpapractice para lang makakain ng lunch. Oh my gosh besh, paano pag di nila naisapang lumamon eh di mamatay tayo nito sa gutom."-napasimangot ako ng maalala ying nangyari nung weekends. Feeling ko ako ang may kasalanan ng lahat. Kung di ko lang sana iniwan si Candy na wala pa lang pambayad ehbdi sana di siya nakulong at di nabalitaan ng mommy niya ang nangyari sa kanya.

Eh di sana di namin kailangan hintayin silang matapos magpractice para lang makauwi at nakakain ng lunch. Goshh di ko aakalain na pababantayan niya kami ni Candy sa mga ito at aalamin kung may kagagahan na naman ba kaming gagawin. At di ko rin aakalain na papayag ang mga ito duon.

"Who are they Queen?"-napaangat naman ang tingin namin sa mga babaeng nakatayo sa harap namin. Nakakaasar ang boses ni Beatrice habang tinatanong kung sino kami kay Queen. Wala silang pake kung sino kami at saan kaming paraisong nanggaling noh.

Mission For My Confession✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon