Chapter 3: Epal

783 30 5
                                    

Charmaigne's POV

"Bakit parang gulat na gulat ka yata charmaigne?" Sabi ni kuya chastin.

Paano ba namang hindi ako magugulat yung kaaway at kinaiinisan namin ni pat nandito sa bahay. Bakit ba nandito 'to? At sino naman magpapa-pasok sakanya dito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanila.

Oo, sakanila. Dahil lahat ng gangster friends nung Xander na 'to nandito din. Mga buntot ba nya ang mga 'to? Parang sa lahat kasi ng oras kasama nya ang mga 'to.

"Kaibigan ko sila, charm. Anong problema dun?" Sambit ni kuya chastin.

"Teka lang, kilala mo sila? Magkakilala kayo?" Dagdag pa nya.

Magkaibigan sila pero di nya alam na kilala ako ng mga kumag na yan. Umiinit na naman tuloy ulo ko. Basta, pagdating talaga sa Xander na yan, naasar ako. Nagtataray na lang din ako bigla. Lakas talaga makapang-init ng ulo. Maramdaman mo palang presence nya sa paligid mo parang sasabog ka na. Parang si Pat, ganon sya sa lalaking mga yan.

"No, kuya. Di ko sila kilala. Paalisin mo na nga yang mga yan. Baka magkaroon din ng gulo dito sa bahay." Tinalikuran ko na sila at pagkatapos umakyat na ako ng tuluyan papunta sa kwarto ko. Narinig ko pa ngang tinawag ako ni kuya chastin. Galit na naman yun sakin for sure. Ipahiya ko ba naman daw yung mga bwisita nya. Lagi naman galit yun sakin. Magsama sama pa sila.

Humiga nalang ako sa kama ko. Ang sakit ng likod ko. Parang sobra akong napagod ngayon.

Gabi na din kasi ako nakadating. Makapag-half bath na nga muna bago pa ako makatulog.

Tumayo na ako at pumunta sa bathroom. Sa kalagitnaan ng pagha-half bath ko biglang may sunod sunod na katok sa pintuan ng bathroom ko.

"Charmaigne! Get out there, now." Utos ni kuya chastin.

"Nagha-half bath pa ako kuya. Ano na naman ba?" Sigaw ko mula sa bathroom.

"I said get out there, now." Matigas nyang sabi.

Nagmadali na akong nagbihis at lumabas ng bathroom. Pagkalabas ko nang bathroom sigaw na naman maririnig ko.

"Charmaigne! Ano bang problema mo? Bakit mo ginanon mga bisita ko?" Sunod sunod nyang pasigaw na tanong.

"Kuya, please, pagod ako ngayon. Ang sakit ng katawan ko. Gusto ko nang magpahinga. Pwede?" Sambit ko.

"Damn! Sagutin mo muna mga tanong ko charmaigne. Hindi ka na talaga nakikinig saakin." Galit pa din nyang sabi.

Naglakad na ako papuntang kama ko. He's always being that to me. Palaging mainit ulo nya sakin, palaging ang nakikita nya puro pagkakamali ko. Lahat nalang bawal. And, ganito din ako sakanya, palaging nagtataray. Mas pinapainit ko pa ulo nya. Nawawalan na ako ng gana sakanya. Para sakin, hindi na sya nagiging kuya sakin.

"We're not actually know each other. Kaklase ko lang yung isa sakanila. Yung Xander. Yun lang. But, we're not friends. I don't know if we're enemy or not. But, i hate them. okay?" Pagpapaliwanag ko.

"At kaya ko sila ginanon kanina. Because i really hate them. Specially that Xander, the gangster. Everytime i see their face. Argh! Nabwibwisit ako." Inis kong sabi. Pagod na nga katawan ko, dadagdagan pa nya.

"Itigil mo 'tong kalokohan mo charmaigne, or else." Tiningnan nya ako ng masama. Pero this time, di ako nagpatinag sa masama nyang tingin saakin. Tiningnan ko din sya ng masama. Hanggang sa umalis na sya ng kwarto ko at ibinalibag pa yung pinto.

Kuya ko sya, oo. Mas nakakatanda sya sakin, oo. Pero that fact, na palagi nalang syang galit sakin and puro mali ko nalang nakikita nya. Dati, hindi naman sya ganyan. Close na close ko pa nga si kuya chastin dati. Ewan ko kung bakit nagbago na ang lahat.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon