Chapter 11: Baby

612 16 4
                                    

Charmaigne's POV

Tumayo agad ako ng maayos pero hindi ko talaga kaya dahil sobrang sakit ng paa ko. Natapilok pa kasi eh. Hayys. Ngayon ka pa talaga tatanga tanga, Charmaigne.

"Hindi mo nga kasi kaya." Mahinang sambit nya.

"Nang dahil sayo kaya ako nagkaganito." Bwisit na sabi ko sakanya sabay irap.

"Hindi ko naman kasalanan yun." Sambit nya.
"Eh kasi.. Pfft. Wala lang." Natatawang pigil nyang sinasambit.

"Ito naman si Baby ko, hindi na mabiro." Dugtong pa nya sabay halakhak.

"Yuck! Baby?! Eww."

BABY?! Kadiri sya. Di ako baby atsaka eww. Hindi kami. Kung kami man, ang pangit ng endearment. Tumawa sya ng tumawa pagkatapos nyang makita yung reaksyon ko sa pagtawag nya sakin ng 'Baby'.

Sinamaan ko sya ng tingin at buti naman tumigil din sya sa kakatawa kundi baka nasungal-ngal ko na sya. Pinilit kong tumayo uli pero hindi ko talaga kaya. Masakit.

"Aish. Ang kulit mo." Sambit nya at ako naman sinamaan ng tingin.

Nagulat ako sa ginawa nya dahil binuhat nya ako. Yung pang-kasal na buhat. Nababaliw na yata 'tong lalaking 'to eh.

"Oy. Ano ba! Ibaba mo nga ako." Pagpupumiglas ko sakanya pero tuluyan na syang bumaba ng hagdan habang buhat buhat pa din ako.

Dinala nya ako sa kusina kung nasaan si Yaya Ali.

Tumingin samin si Yaya Ali. Nagsalita ako kay Yaya Ali pero walang boses silent lang na sinasabi ko na tulungan nya ako sa lalaking 'to pero tumawa lang sya kaya sumimangot ako -__-

Binaba na ako ni Xander at pinaupo sa isang upuan.

May Kinuha sya sa isang kabinet dito sa kusina. Pagkakuha nya nun. Pumunta sya sa tapat ng refrigerator namin dito sa bahay at kumuha sya ng mga kapirasong mga yelo para ilagay sa ice pack na hawak nya.

Grabe. Bakit parang kabisado nya na pasikot sikot dito sa bahay namin? Sobrang tagal na ba talaga nilang magkaibigan ni Kuya Chastin? Kasi parang di ko naman sya nakikita dito kahit dati pa. Sabagay, ilang years din naman ako dun nakatira sa states.

Nakita ko syang papunta saakin at lumuhod sya sa harapan ko. Kinuha nya yung paa kong sobrang sakit dahil sa pagkakatapilok ko at nilagay nya doon yung ice pack.

"Ang lamig naman nyan." Sambit ko.

Tumingin sya sakin ng nakakunot noo, "May yelo bang mainit?" Sarkastiko nyang tanong.

"Che! Syempre, wala!" Sagot ko.

Napakapilosopo talaga ng lalaking 'to. Paiba iba ng mood. Daig pa nya babae.

"Wala naman pala." Bulong nya.

"Ako na nga lang dyan." Sambit ko at inagaw sakanya yung ice pack.

Hawak ko na yung ice pack at ilalagay ko na sana sa aking paa pero bigla nya nalang itong inagaw mula sa akin. Aish.

"Sabing akin na yan eh!" Sigaw ko.

Inagaw ko sakanya yung ice pack pero nilayo nya ito para hindi ko maabot. Pilit ko pa rin inaabot pero hindi ko talaga kaya.

"Ahhh!!" Sigaw nya at kumaripas ng takbo papuntang sala.

Pagkatingin ko kung bakit sya tumatakbo ay napahalakhak nalang ako. Hinahabol lang pala sya ni Chamie. HAHAHAHA.

Pumunta ako ng sala at nakita ko syang nasa taas ng sofa habang hawak hawak yung unan na kinuha nya sa sofa ng bahay namin at para bang ready na syang ihampas ito kay Chamie.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon