Chapter 12: Missed Him

532 12 1
                                    

"Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong nya saakin.

Tinignan ko sya at nginitian ko. "Hmm." Tango ko at umiwas na ng tingin.

Ewan ko ba pero parang hindi maganda yung mood ko ngayon. Kung tatanungin nyo kung bakit, hindi ko din alam.

Miyerkules ngayon nandito ako sa room.

"Kumuha ng one sheet of paper. May special quiz tayo ngayon." Ms. Garcia said. Hayys. When i'm not that feeling well, they will give us a quiz. Why is that?

Napabuntong hininga nalang ako. Tinatamad akong magexam. Tumingin ako sa tabing chair ni Pat at wala sya doon. Absent.

Absent si Xander pati na rin si Jerome. Anong problema nung dalawang yun? Geez. Gangster be like talaga.

Binigyan na kami ni Ms. Garcia ng test papers, isa-isa. Ms. Garcia is our Science teacher. I like science but, i'm not in the mood to answer this now at hindi ko alam kung bakit.

"Bal. Ano na?" Natauhan ako ng biglang pumitik si Pat sa harap ko.

Tumingin ako sakanya, "Bakit?" Tanong ko. Aish. Bakit ako nagkakaganito ngayon? Hmp.

"Anong bakit?" Mataray nyang wika. Tinaasan nya ako ng kilay nya at sinabing, "Kanina pa kaya ako dito salita ng salita tungkol sa camping natin pagkatapos ikaw nakatulala lang."

"Kanina sa special quiz ni Ms. Garcia tulala ka pa din. Wala ka sa sarili mo. Buti nalang nakita kita agad at nasagutan ko yung paper mo, kung hindi. Baka matulad ka din kay Francisco na pinatayo ni Ms. Garcia dahil mababa sya sa quiz." Mahaba nyang wika. Ininom nya muna yung fruit juice nya bago magsalita, "Tell me, ano bang nangyayari sayo Charmaigne?" Tanong nya saakin.

Nasa cafeteria kami ngayon ni Pat dahil break time ngayon. Hayys. Ano nga bang nangyayari sakin?

"Uhm, sorry bal." Iyan na lamang ang nasabi ko dahil kahit ako hindi ko apam ang nagyayari sakin.

"Dahil ba wala sya?"

Napatingin ako kaagad sakanya. Anong sinabi nya? Sinong sya?

"Sinong.. Sya?"

"Come on Charmaigne, may gusto ka na ba sakanya?" Tanong pa nya.

Huh? Sino bang tinutukoy nya? Wala naman kasi akong maintindihan.

"Sino nga kasi? Wala kaya akong main--" Hindi nya na ako pinatapos sa sasabihin ko.

"It's Xander Miguel Dela Fuente." Taas kilay pa din nyang sambit saakin. "Now, answer me? Sya ba? Sya ba yung dahilan kung bakit malungkot ka ngayon?" Tanong nya.

Bakit naman magiging si Xander yun? Ni hindi nga sya pumasok sa isip ko. Hindi nga ba? Aish.

"Hindi ko nga alam kung bakit ako nagkakaganito ngayon." Paliwanag ko. Totoo naman kasi. Hindi ko alam. "Atsaka hindi ko sya gusto." Depensa ko pa.

"Okay. Siguraduhin mo lang." Sabay alis nya. Hala? Sige. Iwan ba naman daw ako. Lagi nya nalang akong iniiwan. Problema nung babaeng yun? Baliw. -__-

Sinundan ko na si Pat. Buti nalang nahabol ko pa syang naglalakad sa hallway papuntang room.

"Ang galing mo talagang mangiwan." Sambit ko pagkahabol ko sakanya.

Hindi nya ako pinansin bagkus ay nilampasan nya lang ako. Sumunod lang ako sakanya papuntang room namin kahit di nya pa din ako pinapansin.

"Oy Pat. Sorry na. Di ko naman kasi talaga sya gusto." Sambit ko.

Tumingin sya sakin at bigla nalang ngumiti. Ginulo nya yung buhok ko atsaka naman nya ako inakbayan.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon