Chapter 18: Camping (part 1)

499 12 6
                                    

Charmaigne's POV

"Mister Hanz, alam nyo pa ba talaga yung daan?" Tanong ng kaklase ko.

"Oo naman. Kaya nga pinatulog ko kayo ng maaga kagabi dahil mahaba-haba ang lalakbayin natin patungo sa sinasabi kong sikat na cave." Paliwanag ni Mister Hanz.

Pagkatapos sabihin samin iyon ni Mister Hanz ay dire-diretso na kami sa paglalakbay.

Habang naglalakbay kami dito sa gubat ay kamot ako ng kamot sa binti ko. Aish. Ang kati-kati. Nakashort pa man din ako. Dapat pala nagpants nalang ako. Hindi ko naman kasi alam na habang tumatagal yung paglalakbay namin dito a masukal na gubat na 'to ay pataas na ng pataas ang mga damo na nadadaanan namin. Nangangati tuloy ako ngayon.

Kinamot ko yung bandang paanan ko kaya napaupo ako dahil sa sobrang kati. Aish. I don't like this situation.

Nang makamot ko na yung paanan ko ay tumayo na ako kaagad para tingnan yung mga ka-grupo ko pero wala na sila. Where are they? Hindi ko alam ang gubat na 'to.

Nagsimula nang tumibok ang puso nang mabilis. Kinakabahan ako. Saan na ako pupunta nito?

Naglakad ako ng kaunti. Nagbabaka-sakaling makita ko pa sila pero ni isa sa kanila ay wala akong makita.

Sumandal ako sa punong nasa likuran ko at yumuko. Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko alam 'tong gubat na ito kaya paano ako makakapunta sa base namin?

Patuloy lang akong humihikbi dito dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawawala na ako. Gusto ko na umalis dito pero hindi ko alam kung paano.

May narinig akong kumakaluskos na para bang may iba pang tao dito. Lumakas ang pagtambol ng puso ko kaya mas lalo akong kinabahan. Ayoko na dito.

Tinakpan ko na lang yung mukha ko habang nakasandal sa puno dito para mawala ang kaba ko.

"Wag ka ngang umiyak." Narinig kong boses ng isang tao. Sino yun?

Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa mukha ko at tinignan kung sino ang nagsalitang iyon.

Nang tignan ko ito ay napahagulgol na nalang ako dahil sa sobrang takot. Akala ko kasi kung sino na ito.

Nagulat ako ng yakapin nya ako, "Shh. Wag ka nang umiyak. Nandito na ako, oh." Pagpapatahan nya sakin habang hinihimas ang buhok ko.

Wala na rin akong nagawa kundi ay yakapin sya pabalik.

Nang mahimasmasan ako ay nakapagsalita na rin ako, "Anong ginagawa mo dito, Xander?" Tanong ko sakanya na may bakas pa ng luha sa mukha.

"Nahuli kasi akong nagising kanina. Hindi ko namalayan na nakaalis na pala yung iba nating ka-grupo kaya nandito ako ngayon, naglalakbay magisa. Tsk. Badtrip." Sambit nya na may inis sa tono nito.

Nawala ang inis sa kanyang mukha at napalitan ito ng pagaalala, "Ikaw? Bakit ikaw lang nandito?"

"Nalingat lang ako sandali at pagkatapos ay wala na yung ibang kagrupo natin." Malungkot na sagot ko.

"Why don't you try to find them instead of crying here like a child who lost her candy?"

"Hinanap ko na sila. Pero hindi ko na sila nakita. Siguro ay nakalayo na sila. Atsaka umiyak lang naman ako dahil kinakabahan ako."

Sumimangot lang sya sa paliwanag ko at wala nang sinabi pang iba.

"Halika na, umalis na tayo dito."

Hihilain nya na sana ako paalis pero pinigilan ko sya. Tumingin sya sakin nang nakakunot ang noo.

"Bakit?" Nagtatakang tanong nya saakin.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon