Chapter 15: Sya pa rin

499 12 7
                                    

Chastin's POV

"I'm excited to see you soon, Sis."

"Ow? I'm excited to see you soon too, Kuya." Tuwang tuwa nyang wika saakin. "Wait for me there. Konti nalang nandyan na ulit ako."

"Oo nga."

"By the way, kuya Chas. Kailangan ko na palang umalis. Bye, kuya. I'll see you there soon. I love you."

"Magiingat ka dyan palagi ha? I love you too. Bye."

I ended our call. Gusto ko man syang makausap ng matagal pero kailangan nyang gawin ang dapat nyang gawin dun.

"Kuya, halika na." Sambit ni Charmaigne saakin. Ang tagal nya. I hate waiting. Hindi nya ba alam yun?

Sinimangutan ko lang sya at lumabas na ng bahay. Pumasok na ako sa kotse ko at binuksan na ang makina nito.

Naramdaman ko nalang na pumasok na rin si Charmaigne sa kotse ko at umupo sa tabi ko.

Naalala ko nung naginuman kami ng buong gang. Nakita ko sila ni Xander sa kwarto magkatabi.

*flashback*

Iminulat ko ang mata ko. Babangon na ako nang biglang sumakit yung ulo ko.

"Arrgh." Ungol ko sa sakit na nadarama ko ngayon.

Hangover.

Ang sakit ng ulo ko. Parang binibiyak ng itak. Kahit masakit yung ulo ko, pinilit ko parin tumayo.

Liningon ko ang paligid ko at nakita ko yung gang na mahimbing na natutulog sa sobrang kalasingan.

Teka. Apat lang kaming naririto. Asan si.. Miguel?

Pinilit kong maglakad kahit umiikot pa rin yung paningin ko.

Umakyat ako sa taas at tinignan yung mga guest rooms pero ni isang bahid ni Miguel ay wala akong nakita. Where's that jerk? Fvck.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko at tinawagan ko ang number ni Miguel.

Nagriring lang pero walang sumasagot. Habang tinatawagan ko yung cellphone nya. May parang naririnig akong nagriring bandang dulo sa hallway ng bahay.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon