Chapter 21: Girlfriend

666 19 15
                                    

[Author's Note]
I dedicate this chapter to Nyxx_o
^_^

-------

Charmaigne's POV

"Anong nangyare?!" Bungad ni Oppa sa amin. Tanaw na tanaw ko na sya habang naglalakad sa hallway papalapit sa amin. Nandito si Mister Hanz at si Natnat.

Nakatungo lang ako habang nakaupo dito sa labas ng room kung nasan ginagamot at inaasikaso ng mga doctor si Xander.

"O-o-oppa.." Nauutal na usal ko sakanya. 'Yan lang ang tangi kong nasabi sakanya dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon.

Lumapit sya sakin at umupo sa harap ko. Yung upo nya ay hindi lumalapat yung pwetan nya sa sahig. Nanatiling ang mga paa nya lang.

"Cham. May masama bang nangyare sayo? May sugat ka ba? May mga galos? May sakit ka ba? Masama ba yung pakiramdam mo?" Sambit nya pa na animo'y sinisilip ang ibaang bahagi ng katawan ko kung okay nga ba talaga ako. "Okay ka lang ba? Nagugutom ka ba? May masakit ba sayo? Ha? Sinasabi ko na nga ba't dapat hindi ka nalang sumali sa camping na 'to!" Biglang sigaw ni kuya Chastin na tumayo pa para magitla ako.

"Nagalala ako ng sobra Charmaigne! Ayokong nasasaktan ka at mas lalong ayokong nahihirapan ka! Kahit na palagi tayong hindi nagkakasundo sa mga bagay bagay pero kuya mo pa rin ako kaya may karapatan akong magalala para sayo lalo na't wala dito ngayon sila Mommy at Daddy!"

Napatayo ako dahil sobra na akong natatakot sa tono ng pananalita ni Oppa. Tumataas na at masyadong maawtoridad.

"I-i'm sorry.." Ramdam ko na ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ko pero nanatili pa rin akong nakatayo habang nakayuko sa harapan nya.

"Look. Cham. Nagalala lang ako ng sobra para sayo dahil kapag may nangyaring hindi maganda sayo ako ang malalagot kila Mom and Dad."

"Naiintindihan ko Oppa. O-okay lang a-ako. Wala kang dapat alalahanin sakin dahil ayos lang ako."

Narinig ko pang bumuntong hininga si Oppa.

"Kung ganon. Bakit nandito kayo sa ospital? Tinawagan ako ni Nathan na nandito daw kayo sa hospital kaya pumunta agad ako dito."

"Pero ang nasa loob ng kwarto na nasa likod namin. Nandyan. Nandyan yung taong dahilan kung bakit nandito kami ngayon sa hospital."

"H-huh?" Takang tanong ni Oppa.

At bigla kong naalala yung nangyare kanina. Yung panginginig at pangingisay ni Xander kaya di ko mapigilang mapaluha. Sana okay lang sya.

Lumapit si Oppa sa salamin na bintana sa kwarto ni Xander para makita mo ang nasa loob nito na kung saan inaasikaso ng mga Doctor si Xander. Marami nang nakakabit na mga tubo sa katawan nya. At hindi mo talaga malalaman ang mararamdaman kapag nakita mo na ang kundisyon nya ngayon.

"A-ano 't-to?"

Pinaliwanag ni Nathan sakanya ang mga nangyari nung nasa camping pa kami.

"Kaya pala nagkaganon sya.." Saad ni Oppa na dahilan kung bakit kami ni Nathan napalingon sakanya. Habang abala naman sa paguusap sila Mister Hanz at Jerry na medyo malayo sa amin kaya hindi nila naririnig yung usapan namin. Hindi katulad kanina na nakikinig pa sila nung biglang dumating si Oppa.

"Bawal sakanya ang magkaganon." Dagdag nya pa na mas lalong nakapagtaka sa amin ni Nathan.

"Kaya pala sya nangisay ng ganon dahil bawal sakanya ang maulanan. Hindi sya pwedeng maulanan. Oo. Gangster yun si Xander mas kakayanin nya pang mabugbug pero kapag ang ganon kalakas at katindi ang pagulan, hindi nya nakakaya iyon. Nung bata pa sya ay nalaman agad yun ng mga magulang ni Xander. Naulanan sya noon dahil kakahabol nya sa paru-paru na matagal nya nang gustong mahuli. Sa kakahabol nya bumuhos ang malakas na ulan at hindi nya napansin yun. Pero nung magtagal ay unti unti syang nanghihina at tuluyang nawalan ng malay. Hinanap sya ng mga katulong nila at noong nahanap din sya ay nangyari din sakanya yung sinasabi nyong nangisay sya." Seryosong sambit ni Oppa kaya nilingon ko naman si Nathan at nagtama ang mga paningin namin.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon