Chapter 17: Panaginip

479 12 0
                                    

Charmaigne's POV

Medyo madilim na rin nang makarating kami sa base namin o sa pagtatayuan namin ng tent kung saan din kami magi-stay.

Bawat estudyante nagtatayo na ng sari-sariling tent nila ngayon.

"Attention guys!" Sigaw ni Mister Hanz para makuha yung atensyon naming lahat.

Hininto namin ni Nathan at ng ibang estudyante ang ginagawa namin at tinignan si Mister Hanz na nasa gitna.

"Madilim na at kailangan na nating magpahinga ng maaga para bukas dahil magha-hiking tayo sa bundok na ito. Pupuntahan natin ang isa sa mga sikat na cave dito at gagawin natin ang mga physical activities na ginagawa natin sa Thunder High." Paliwanag ni Mister Hanz sa aming lahat.

"Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong nya.

"Opo." Sagot naman namin.

"Okay. Let's move. Tapusin nyo na ang mga ginagawa nyong tent at matulog na." Sambit pa nito.

Tumango lang kaming lahat sakanya bago tumalikod at bumalik sa ginagawa namin.

"Uhm, Sir." Tawag ng isang babaeng kagrupo namin dito kay Mister Hanz na nakataas pa ang kamay. Napukaw ang atensyon naming lahat sakanya. Hindi ko sya kilala. Para bang may itatanong sya kay Mister Hanz.

"Yes, Yannie?"

"Hindi po ba delikado dito? I mean, wala po bang mababangis na hayop dito at mga maligno sa paligid?"

"Wala namang kahit na anong ikapapahamak ng lahat dito. In short, safe dito. Pero it's your choice kung gusto mong ipahamak ang sarili mo. Ibig sabihin, wag kang lalayo sa mga kasama mo. Wag kang aalis dito nang magisa. Lalo na kapag gabi dahil sobrang dilim na. Okay?" Paliwanag ni Mister Hanz sa babaeng tinawag nyang Yannie.

Nagpasalamat yung babae kay Mister Hanz at itinuloy na namin ang kung ano mang ginagawa namin.

"Buti naman hindi delikado dito." Biglang sambit ni Natnat sakin kaya napatingin ako sakanya.

"Oo naman. Kung delikado dito, edi sana hindi tayo pinag-camping dito." Wika ko.

"Sabagay."

Nang matapos na namin yung ginagawa namin ay medyo wala nang mga estudyante sa paligid dahil nasa kanya-kanya na silang tent.

Nasan kaya si Xander? Para kasing hindi ko sya nakita kanina. Kagrupo ko naman sya. Diba?

"Pasok na tayo?" Tanong ni Natnat sakin. Tumango lang ako sakanya at pamasok na sa tent.

Nasa iisang tent lang kami ni Natnat pero hindi kami naiilang dahil ilang beses na kaming nagtatabi nyan ni Natnat nung mga bata pa kami.

"Okay lang ba sayo na.. tabi tayo?" Sambit ni Nathan na nagkakamot pa ng batok na para bang nahihiya pa.

"Oo naman." Natawa nalang ako sa ikinikilos nya.

Nagsimula na kaming matulog ni Nathan dito sa loob ng tent. Hinarangan nalang namin ng mga unan sa pagitan namin.

"Goodnight, Cham." Sambit ni Nathan at sabay ngiti sakin.

"Goodnight, Natnat."

Pinatay na ni Nathan ang Lampara na nagsisilbing ilaw sa aming tent. Pagkatapos nyang gawin yun ay pinikit ko na ang aking dalawang mata.

"Bal!"

Nakita ko si Pat. Yung tingin nya kakaiba. Parang hindi sya iyon. Tumalikod sya sakin at kumapit sya sa kamay ng lalaking kasama nya.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon