Chapter 2: War

889 28 4
                                    

Charmaigne's POV

Umalis na ako duon sa cafeteria. Hahanapin ko nalang si Pat. Pati tuloy ako nahahawa sa kainitan ng ulo ni Pat dahil sa lalaking yun. Kala mo kung sino umasta.

Hinanap ko sya sa pinagtambayan namin kanina sa likod ng building namin pero, wala naman sya. Hinanap ko sya sa field pero, wala din sya. Hahanapin ko pa sana sya kaso nagbell na. Kaya pumunta na ako sa room. Pagkadating ko sa room wala pa yung teacher namin pero, nakita ko na si Pat nandun na sya sa upuan nya. Nakakunot pa din yung noo. Siguro di nya pa din makalimutan yung sa lalaking Xander na yun.

Pumunta na ako sa upuan ko. "Bal, Bakit mo 'ko iniwan dun kanina sa cafeteria?" Bungad ko sakanya.

"Sorry bal kung iniwan kita dun ah? Hindi ko na kasi kaya dun lalong lalo na kung makita ko pa yung pagmumukha nung Xander na yun."

"Ahh.." Yan nalang nasabi ko sakanya. Kasi mamaya pagbuntungan pa ako ng galit nyan. Kapal kasi ng mukha nung Xander na yun. Kala mo kung sinong siga dito sa school.

Nagantay lang kami ng ilang minuto pero wala pa din yung next teacher namin. Pero, may nagbalita saamin na wala na daw klase kasi may emergency daw si Sir De Guzman kaya pwede na daw kami umuwi.

Papauwi na kami ni Pat. Yung bahay kasi nila Pat medyo malapit dun sa entrance ng village namin. Nasa iisang village lang kasi kami pero medyo malayo ako sa bahay nila Pat kaya sabay kami palagi umuwi o minsan pumasok.

"Bal, uuwi na ba tayo agad?

"Oo. Bakit? May pupuntahan ka pa ba?"

Tumingin sya sa wrist watch nya. "Wala naman. Pero, maaga pa kasi. Ayoko pa umuwi. Gusto mo ba punta muna tayong mall?"

"Ahhmm.. Sige."

Hinila nya na ako sa sakayan papuntang mall. Sumakay na kami ng taxi at wala pang 30 minutes nakarating na din kami sa mall. Pumasok kami sa mall at nagiikot dito sa bandang ladies section sa isang store.

Mga isang oras din kaming naglibot dito sa mall. Nandito kami ngayon sa food choice kakain. Nagutom din kami sa kakalibot dito. Umupo kami ni Bal sa table na nakita namin bandang gitna.

"Bal, ano gusto mong kainin?" Tanong ni Pat sakin.

"Ahhmm.. Steak nalang." Sagot ko sakanya.

Umalis na sya at ako nalang dito sa table namin. Linabas ko yung ipod ko pagkatapos nakinig nalang sa music. Sa kalagitnaan ng pakikinig ko may mga nakatayo na mga apat na lalake dito sa harap ng table namin. Tinignan ko sila. Wait, parang namumukhaan ko sila.

Si Mr. Delafuente lang naman and his three gangster friends. Ano na namang balak nitong mga 'to? Manggugulo na naman ba? Nonsense people talaga.

"Hi. May kasama ka ba? Pwede ba kami makishare ng table?" Tanong nung Xander. Parang naging jolly yung mukha nya ngayon ah. Anong nakain neto?

"Meron akong kasama. And, wala na bang ibang table dyan at dito pa kayo makikiupo?" Ewan ko ba kung bakit pagdating dito sa Xander na 'to talagang nagtataray nalang ako bigla. Nakakainit kasi ng sya ng ulo.

"Ahhmm.. Miss wala na kasi talaga kami mauupuan eh.." Sabi nung kasama nya.

Lumingon lingon ako sa mga table at wala na nga talagang mauupuan. Halos puno na lahat ng tables dahil na din uwian ng mga estudyante and first day na rin.

"Edi sa iba nalang kayo kumain." Pagtataray ko.

"Dito namin gusto Miss Fontanilla." Sabi ng isa sa tatlong kasama nito ni Xander.

"Dito nalang kami please.." Pagmamakaawa nitong Xander na 'to at aba, nagpuppy eyes pa. Aish! Nakakaasar yung mukha.

"Okay, sige. Wala naman ako magagawa baka mamaya ano pa sabihin ng mga tao dito."

Habang papaupo na sila sa harap ng inuupuan ko bigla naman dating nito ni bal. Napatigil sya saamin at kinunotan ako ng noo na parang sinasabi nya ay 'what's the meaning of this?' Pumunta na din sya sa tabi ko.

"Bakit kayo nandito? Table namin 'to ah!"

"Nagpaalam naman kami kay miss fontanilla and pinayagan nya naman kami umupo dito." Sabi ni Xander. "Wala na din kasi kami mauupuan puno na lahat ng tables na nandito." Katulad ko lumingon din si pat para tignan kung meron pa bang bakanteng table.

"Okay.. Madali naman ako kausap basta wag nyo lang kami guluhin."

Kumain na kami ng kumain ni pat gutom na din kami. Matakaw kami ni pat sa mga foods. Lalo na sa korean foods dahil may lahi kaming korean pero dito na din kami lumaki sa pilipinas kaya marunong kami magtagalog pero marunong din kami magkorean.

At nang matapos na kami kumain, umalis na din kami dun. Awkward kaya. Hindi ko alam pero parang gumaan yung aura nung Xander na yun. Ano kayang nakain nun?

Umuwi na kami ni pat dahil maggagabi na din malalagot ako kay oppa [oppa=kuya] kapag gabi na ako umuwi isusumbong na naman ako nun kila dad. If ever na mangyari yun.

"Bye pat. Bukas nalang."

"Ok. Bye chamie."

Pumasok na si pat sa bahay nila at ako naman naglalakad na pauwi. Pagdating ko sa bahay lumapit agad sakin si Chamie yung aso ko. Chamie pinangalan ko sakanya kasi nickname ko na din pero lalake sya. Tinuturing ko na syang anak.

"Hi, chamie. Kamusta ka baby ko?" Kausap ko sakanya. Kahit alam kong di naman talaga sya nagsasalita pero alam kong nakakaintindi sya.

"Arrff! Arrff!" Tahol nya sakin.

"Wow. Very good naman yung baby ko." Pagkatapos umalis na sya. Papaakyat na sana ako papuntang kwarto ko pero may narinig akong ingay mula sa sala. Parang may bisita yata dito sa bahay. Sino naman magpapapunta dito ng bisita?

Di ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang umakyat.

"Charmaigne!"

Lumingon ako para tignan kung sino tumawag sakin. Nanlaki yung mata ko. Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya dito?

To Be Continued...
-----
Hi guys! Sorry kung short update lang 'to. Ewan ko kung may nagbabasa pa ba nitong story ko. Pero patuloy pa din ako maguupdate hanggang sa makakaya ko. Kung meron pa namang nagbabasa nito. Sana i-vote nyo naman po. Thank you po! Pagkatapos comment na din po kayo. Thank youu!! Mahar ko kayo!

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon