Chapter 9: Members

593 17 0
                                    

Charmaigne's POV

Nakatulala lang ako dito habang hinihintay pumasok yung next teacher namin. Tama ba na pinayagan ko si Xander makipag kaibigan sakin? Parang ang bilis ko naman kasing magdesisyon. Dapat pinahirapan ko muna sya. Aish. Pabayaan mo na nga.

"So, gagawa kayo ng presentation about sa ni-lesson natin earlier. Igru-group ko kayo into 4 Members. Understand? Magtutulungan kayong apat for your Group presentation ngayong darating na weekend? And the presentation will be on Monday. Are we clear?" Sabi ni Sir James. Math teacher namin. Sumagot kami na, 'Yes' sa tanong nya.

Tinawag nya na yung mga magkakagrupo na mga kaklase namin. Random kasi yung pinipili nya.

"Mr. Dela Fuente and Mr. Dominguez, ka-grupo nyo sila, Ms. Fontanilla and Ms. Hernandez." Pagkatapos nyang sabihin ang mga pangalan namin. Nagpaalam na sya saamin at umalis.

Nananadya ba talaga ang tadhana? Bakit sila pa yung naging ka-member namin? Hayys. How life goes on.

Nagpaalam na si Sir James at lumabas na ng room namin.

"Yey! Magkagrupo tayo bal." Masayang sabi ni Pat.

"Oo nga eh."

"Meron pa kayong co-members dito, remember?" Mahangin na sabi ni Xander.

"I know. You don't have to remind it. And, magkaibigan kami ni Charmaigne. Okay? So, you better shut up because you're not our friend." Taas kilay na sambit ni Pat.

Hayyss. Nagaway ba naman yung mahangin at mataray. Baka magkaroon dito ng World War III.

Ngumisi si Xander at, "Tss. Hindi pa ba nasasabi sayo ni Charmaigne na magkaibigan na kami?"

Kunot noong nakatingin saakin si Pat na hinihintay yung sasabihin ko.

"Kaibigan ko na sya." Sabi ko kay Pat.

"At wala kang balak sabihin sakin 'yon?" Sigaw nya at napatayo na sya sa upuan nya.

"Ano ba! Ang OA mo Pat. Para kang baliw." Iritang sambit ko dahil sa OA na reaksyon nya.

"Ehh?" Napakamot na lang sya sa ulo nya. Nilingon ko naman si Xander at aba! Nakangisi pa si ugok. Nung napatingin sya sakin biglang ngumiti si yabang. Aish. Bakit ba may mga weird akong mga kasama dito?

Nang dumating na rin si Sir De Guzman umupo na rin kami at nakinig sakanya.

Ang weird nila.

***
In-explain ko na kay Pat kung pano ko sinagot bilang friend si Xander.

"Yun na yun?" Taas kilay nyang tanong.

Nilagay nya yung dalawang kamy nya sa kanyang dibdib. "Nang dahil sa teddy bear na yun.. I mean, sa Hello Kitty teddy bear na yun, makikipag-kaibigan ka na sakanya?" Maataray nyang sambit.

"Anong gusto mong gawin ko?" Aish. Bakit ba ang OA nya ngayon? Kailan pa ba hindi naging OA si Pat.

"Hindi mo man lang pinahirapan."

"Alam mo naman na hindi ako ganon, Pat."

"Hays. Bahala ka nga." Pagsuko nya.

Nandito kami ngayon sa National Bookstore dahil naghahanap kami ng mga gagamitin namin bukas para sa presentation.

Nauna na si Pat umalis dito sa pwesto namin at lumipat sa School supplies side ng National Bookstore.

Hala? Iniwan ako. Anong bibilhin ko? Nasa kanya yung listahan ng bibilhin namin eh. Baliwa talaga sya. Hmp!

Pumunta nalang ako sa book side ng store. Mas hilig kong magbasa talaga ng mga libro o mga kwento.

Naghahanap ako ng libro na babasahin ko nang biglang may sumanggi sakin na isang lalake.

Tinignan ko sya, "Uhm, sorry." Sambit nya at ngumiti sya saakin.

Parang namumukhaan ko sya. Hmmm. Aha! Sya yung isa sa member nung gang ni Xander.

"I'm Michael Lance Gomez." Inalok nya sakin yung kamay nya para makipag-shake hands sakanya pero hindi ko ito tinanggap. Hindi kasi ako friendly na tao -__-

Binawi nya naman kaagad yung kamay nya, nung hindi ko tinanggap iyon.

"Uhm, sige. Una na ako. Nice to meet you, Charmaigne." Sabu nya at tsaka kumindat.

Problema nun? Feeling close? Tsk.

Naghanap pa ako ng mga books na dapat kong basahin pero kahit isa wala akong mahanap. 'Di ko type yung mga binibenta nilang nga libro.

Nang papunta na ako ulit ako sa School Supplies area para hanapin si Pat, biglang may nakabunggo na naman sakin. Isang lalake ulit.

"Ohh? Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin. Hala? Feeling close din 'tong isang 'to.

As if naman magkakilala kami. "Huh?" Nawe-weird-uhan kong sambit.

"Di mo pala ako kilala." Sabay kamot nya sa ulo nya.
"By the way, I'm Kent." Pagpapakilala nya pero hindi katulad nung lalake kanina na inalok nya pa yung kamay nya. Ito hindi eh. How rude. Tsk.

"Xander's Friend." Dugtong pa nito.

Kaibigan sya ni Xander? Tinignan ko pa nang mabuti yung mukha nya. Naalala ko na. Isa din sya sa Gang ni Xander.

"Uhm. Okay. Bye." Sambit ko na lamang sakanya.

Umalis na ako dun. Hinanap ko si Pat pero hindi ko sya makita.

***
Nasa foodcourt na kami ngayon ni Pat para kumain. Buti nalang talaga nakita ko si Pat kanina.

Pano ba naman kasi, napunta na sya sa ladies section ng Department Store dito sa mall. Nagsho-shopping na pala sya. Hays. Ayun, pagkatapos nyang bayaran yung mga pinamili nya dumiretso na kaagad kami dito sa foodcourt. Gutom na gutom na ako. Aba! Ikaw ba naman hindi pa kumakain nang buong araw, except yung kaninang recess.

"Sorry talaga bal kanina ah?"

"Oo na. Okay lang yun. Basta, orderan mo pa ako ng extra rice." Tumatawang sabi ko.

"Hayss. Ang takaw mo talaga."

"Syempre, kung saan saan kita hinagilap kanina."

"Oo na. Oo na."

Natawa nalang kaming dalawa. Di ko talaga ipagpapalit 'tong bestfriend ko kahit may dumating pa sa buhay ko na ibang tao. She's the only one.

Kumain lang kami ng kumain ni Pat. In-orderan nya din ako ng extra rice.

"Hayss. Busog na ako Pat." Sambit ka kay Pat.

"Ikaw? Busog? Kailan ka pa nabusog?" Sabay halakhak nya. Bwisit. Bully talaga sya.

"Baliw ka talaga. Hmp! Feeling ko ang taba taba ko na."

"Hindi ah ang sexy mo kaya." Bulong ng kung sino saakin.

Tinignan ko sya.

"Che! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

Kasama nya yung Gang nya. Kasama nya si Michael atsaka si Kent ba yun? Pati na rin si Jerome.

"Uhm, wala naman. Ikaw?"

"Bumili kami ni Pat nang mga gamit na gagamitin natin bukas para sa presentation." Paliwanag ko.

"Halika na bal. Uwi na tayo." Yaya sakin ni Pat.

Tumalikod na ako at sumabay kay Pat. Iniwan na namin sila Xander dun.

"Talagang may gusto sya sayo ha?" Nakangising sabi ni Pat.

"Ah? Ewan ko dun."

Naglakad na kami ni Pat para sumakay ng taxi. Tumawid na si Pat at nahuli ako. Tumawid na rin ako pero pagkalingon ko sa kaliwa ko biglang may paparating na kotse.

Nasisilaw ako sa ilaw ng kotse nya. Gabi na rin.

"Cha!" Huling katagang narinig ko kay Pat at hindi ko na alam ang nangyare.

To Be Continued...

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon