Chapter 22: Kilig

532 12 5
                                    

Vote and Comment! Lovelots.
-Harthart

Charmaigne's POV

Umuwi kami kaagad nila Oppa at ni Nathan sa mga bahay namin. Hinatid pa muna namin ni Oppa si Nathan sa bahay nila bago kami dumiretso sa bahay pauwi.

"Bye. Ingat kayo. Goodnight, Cham." nakangiting sinabi 'yan ni Nathan nang makababa sya. "Salamat sa paghatid Chastin." sinilip pa ni Nathan si Oppa. Nasa passenger's seat ako at nandun si Nathan sa side ko. Itinaas lang ni Oppa yung kamay nya bilang paalam kay Nathan.

"Sige na. Bye."

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto. Sinabi din sakin ni Oppa na si Master Hanz na ang kakausap sa Guidance Counselors sa nangyaring insidente. Humiga ako at ang ulo ko ay nakasandal sa headboard pero ang katawan ko nananatiling nakahiga sa kama. Nakakapagod. Nakakasira ng ulo yung mga pangyayare.

Bumangon ako at wala sa sariling kinuha yung cellphone sa bag ko. Pagkakuha ko ng cellphone ay nahiga ulit ako. Tinignan ko yung cellphone kong hawak hawak ko. Anong gagawin ko dito? Nakakabaliw yung tanong ko. Syempre, magtetext ka o kaya tatawag, Ano ba Charmaigne! Hayys. Sino naman itetext ko o tatawagan? Oo nga. Sino bang itetext ko at tatawagan. Hating gabi na, sino pa bang gising sa oras na 'to? At mangiistorbo pa 'ko? Sino? Syempre si Xander!! Oo nga 'no? Si Xander.

"Wait. What? Anong--si Xander?" Ang dapat na nasa isip ko lang ay naibulalas ko ng wala sa oras. "Ano namang sasabihin ko?" Tsk. Ano ba kasing pinagiisip ko? Imbis na magpahinga, Nagiisip pa ng kung ano ano. Naalala ko yung kalagayan nya kanina sa Ospital. Hayys. Nakokonsensya tuloy ako. Pakiramdam ko, ako may kasalanan kung bakit lahat nangyare 'to. Tsk. Ba't ba 'ko makokonsensya? Sya naman yung may kasalanan nun, kung nagingat lang sana sya hindi sya mahuhulog sa bitag na 'yon. Hmp.

Atsaka paano makakapagreply yun kung hindi pa sya nagigising hanggang ngayon? Hindi pa ba sya nagigising? Hayss.

Nanatili ako sa ganong pwesto ko. Sandaling tumingin sa kawalan at nagisip. Napabuntong hininga nalang ako sa desisyon kong wag nang itext si Xander. Bakit ba kasi sya yung naisip kong itext? Marami namang iba. Tss. Napaparanoid lang siguro ako.  At naisipan kong si Patricia nalang ang itext.

To: Patpat
Bal, nakauwi na 'ko.

6/14/12
10:37 PM
Message sent!

Pagkatapos kong itext si Pat ay ipinatong ko na sa side table yung cellphone ko. Naligo muna ako at pinatuyo ang buhok ko bago humiga sa kama. Humiga ako sa kama at nagisip isip. Girlfriend sya ni Xander? May shota pala yun, para kasing wala. Aish. Tiningnan ko yung cellphone ko at may reply na si Patricia.

From: Patpat
Kami din. Napaaga yung paguwi ng lahat ng estudyante dahil sa insidenteng nangyare, okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Balita ko kasi yung grupo daw nila Mister Hanz ang nasangkot sa insidente. Ano? Ayos ka lang ba?

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon