Chapter 10: Save Me

537 14 0
                                    

Charmaigne's POV

Dinilat ko ang aking mga mata. Pagkadilat ko. Puro puti ang nakikita ko. Nasa langit na ba ako? Aish. Bakit ganon iniisip ko.

Nilibot ko ang aking tingin sa palagid kung saan ako napaparoon.

Nakahiga ako sa isang higaan.

Tinignan ko si Pat na kakapasok lang ng kwarto ko kung nasaan ako.

"Bal! Gising ka na." Tuwang tuwang sambit nya. Anyare dito? Hayss. Sa tingin ko nasa ospital ako. Hindi naman ako tanga para hindi ko malaman na nasa ospital ako.

"Ssshhh. Ingay mo naman." Saway ko sakanya pagkatapos inirapan nya ako.

"Ano nga palang ginagawa ko dito?" Tanong ko.

"Nahimatay ka kasi."

"Huh? Wala akong sugat. Hindi ako nabunggo?"

Tumigil ba yung sasakyan kaya hindi ako nabunggo?

"Hindi. May nagligtas kasi sayo. Si---" Hindi nya na natapos ang sasabihin nya ng may pumasok sa kwarto kung nasaan kami ni Pat.

"Cham. Anong nangyare sayo, anak?" Nagaalalang tanong saakin ni Mommy.

Lumapit sya saakin at niyakap ako. Tinignan nya buong katawan ko kung meron ba akong sugat.

"Mom, wala po akong sugat. Hindi nga po ako nasaktan." Paliwanag ko kay Mommy.

"Uhm, oo nga po, tita. Nahimatay lang po si Charmaigne kaya dinala ko nalang po sya dito sa ospital para po masigurado kong okay lang talaga sya." Paliwanag rin ni Pat kay Mom.

Hindi ko naman masisisi si Mommy kung bakit sya nagaalala sakin dahil sya yung mas close sakin kaysa kay Daddy at Kuya Chastin.

"Ahh. Ganon ba."

Tumingin kami sa pinto dahil bumukas ito at iniluwa ang isang doktor.

"Hello po doc, kamusta po yung anak ko? Is she really fine?"

"Yes po, Mrs. As you can see, wala naman po syang sugat. Sadyang nahimatay lang po yung anak nyo because of that incident. Nagulat lang po yung body kaya nawalan sya ng malay."

Tahimik lang kami ni Pat na nakikinig sakanila. I'm listening carefully to what doctor must say. You know, I really should take care of my self now lagi nalang akong napapahamak.

"And, pwede na din po kayo umuwi ngayon dahil okay lang naman po yung condition ng anak nyo." Dagdag pa nito.

Nagpasalamat na kami kay doc at umalis na rin sya.

Nagligpit na sila Pat at si Mommy ng mga gamit ko na iuuwi. Naghintay pa kami ni Pat sandali sa exit ng ospital kung saan ako dinala dahil nagbayad pa si Mommy ng bill sa ospital.

Nang dumating na si Mommy, sumakay na rin kami kaagad sa sasakyan nya at hinatid na namin si Pat sa bahay nila sabay diretso na kami ni Mom papauwi. Nagtataka lang ako. Bakit kaya hindi ako nabangga nung kotseng paparating? Hindi kasi natuloy ni Pat yung sasabihin nya sakin kasi dumating si Mommy kanina. Siguro bukas ko nalang itatanong sakanya.

Habang papauwi kami ni Mom sa sobrang kakaisip ko, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

***
"Baby, gising na."

Minulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Yaya Ali na ginigising ako.

Umupo ako at nag-unat. Nasa kwarto ko ako ngayon. Sino kayang nagdala sakin dito kagabi? Baka si Mang Neo lang.

"Bakit po Ya?" Tanong ko kay Yaya.

Umupo si Yaya Ali sa tabi ng kama ko. Minsan kapag nakakalimutan kong mag-alarm sa cellphone ko, si Yaya Ali yung gumigising saakin. Wala din kasing gigising sakin. Wala sila Mommy at Daddy dahil nasa trabaho na sila. Atsaka si Kuya Chastin na lagi namang nauunang pumasok sa school. Minsan ko lang naabutan yun kapag nagigising ako sa umaga pero konting linga ko lang wala na kaagad sya. What I would expect? Hayss.

"Late na po ba ako sa school?" Dugtong ko pa.

"Uhm, wala kang pasok ngayon nak." Sambit ni Yaya Ali. 'Nak' na din tawag nya sakin dahil tinuturing nya na din akong anak nya kasi simula bata palang ako, nagtratrabaho na sya bilang kasambahay kila Mommy at Daddy. "Weekend ngayon. May gagawin kayo ngayong groupings diba?" Sambit pa nya.

Ayy. Oo nga pala. Nakalimutan ko.

"Oo nga pala Yaya. Nakalimutan ko." Napakamot nalang ako at ngumiti kay Yaya Ali.
"Paano nyo po nalaman?" Tanong ko sakanya.

"Tumawag kasi si Patricia kanina sa telepono sa baba. Hinahanap ka nya sakin pero sabi ko tulog ka pa. Kaya ako nalang niremind-an nya about sa groupings nyo." Paliwanag nya.

Hindi na ako sumagot sa paliwanag ni Yaya dahil wala naman na akong sasabihin pa.

"O sya, sige. Bumaba ka na at kumain ka para mamaya sa groupings nyo ha?" Tinapik ni Yaya yung pisngi ko at tuluyan na syang umalis ng akin kwarto.

Pagkaalis ni Yaya Ali. Lumabas din ako kaagad ng kwarto. Iche-check ko lang kung nasaan si Chamie. Mamaya kung ano ng mangyare dun eh. 'Di ko na rin kasi sya masyadong naalagaan. Hayys. Kawawa naman yung baby ko. Habang pababa ako ng hagdan nakita ko si Xander na nakatingin sakin. Wait. Si Xander?!

Anong ginagawa nya dito? Ang aga aga pa.

Tumalikod kaagad ako sakanya dahil sa nahihiya ako. Sheez. Hindi pa kaya ako naghihilamos atsaka nagto-toothbrush. Grr. Dagdag mo pang hindi pa din ako nagsusuklay.

Aish. Bakit ba kasi nandito yung lalaking yun?

Binilisan ko ang pagakyat ko pabalik ng kwarto ko pero nararamdaman kong sumusunod sya sakin.

"Wag kang susunod." Utos ko sakanya.

"Bakit ba?"

"Basta."

"Ano? Sabihin mo muna sakin."

"Ayoko nga."

"Bakit nga?"

"Ayoko nga." Sambit ko.
"Aish. Bakit ba ang kulit mo?" Nakatalikod pa rin akong kinakausap ko sya.

"Humarap ka nga." Utos nya na naman saakin.

"Ehh."

"Harap na."

"Ayoko."

"Harap ka na, please."

Wala na akong nagawa at humarap sakanyang nakanguso. Pagkaharap ko sakanya bigla nalang syang tumawa ng napakalakas na parang wala nang bukas. Ano bang nakakatawa? Yung pagmumukha ko? Psh. Alam ko naman na panget ako pero talagang ipapahalata pa. Bwisit.

"Bakit?" Tanong ko sakanya pero this time, nakaharap na ako sakanya.

Tumawa pa din sya ng napakalakas. Ano ba. Nakakainis naman 'to.

"Oy. Ano ba. Umayos ka nga." Utos ko sakanya dahil naiinis na ako pero tumatawa pa din sya. Luh?
"Kapag hindi ka umayos, papalayasin kita dito sa bahay namin." Babala ko sakanya.

Bigla nalang sya tumigil sa kakatawa at tinignan ako.

Nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi na sya tumatawa pero maya-maya. Tumatawa na naman sya.

"Aish. Nakakaasar ka na! Alam mo ba yun?" Sambit ko. Akala nya nakakatuwa sya. Nakakabwisit kaya sya ng araw ko ngayon. Bakit pa kasi sya yung naging kagroup-mate namin ni Pat. Pwede namang si Mark yung kaklase naming tahimik lang. Ito pa kasing Xander na 'to. Nakakabwisit na nga, nakakaasar pa. Hindi lang yun, nakakasira pa ng araw.

"Tsk! Bahala ka nga dyan." Huling katagang iniwan ko at tumalikod na ako papaakyat ulit.

Pagkahakbang ko ng unang hagdan natapilok ako kaya na-out balance ako.

Mahuhulog na sana ako pero naramdaman kong may sumalo sakin kaya hindi ako nahulog. Hawak hawak nya yung likod ko kaya hindi ako nahulog.

Tinignan ko kung sino sumalo sakin.

Si Xander. Niligtas nya ako.

To Be Continued...

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon