Chapter 5: Can we be Friends?

628 25 10
                                    

Charmaigne's POV

Pagkamulat ko ng aking mata, ang una ko agad nakita ay si bal.

Tumayo ako kaagad pero parang nahihilo ako at ang sakit ng ulo ko.

"Oh. Bakit tumayo ka kaagad? Humiga ka nga muna." Pinahiga nya na ulit ako.

"Nasaan ba tayo? Ano ba nangyari?" Tanong ko sakanya. Ang sakit talaga ng ulo ko. Parang binibiyak yung ulo ko. Aish. Bakit ba ko nagkakaganito?

"Di mo ba matandaan na inaway ka lang naman nung bruhang sarha na yun." Napataas na naman yung kilay nya. Bilib din ako dito kay pat dahil wala manlang ako nakitang gasgas o galos sa kahit na anong parte ng katawan nya dahil kanina.

And, speaking of kanina. Inaway na naman ako ni sarha. Kahit ano pang gawin nya, di ko pa din sya papatulan.

"At ikaw naman 'tong hindi lumaban." Taas kilay nyang sabi.

"Alam mo naman na hindi ako marunong lumaban, bal."

"Lagi naman eh. Ano ba kasing nangyari at inaway ka na lang nung bruhang yun?" Tanong nya.

[Flashback]

Naglalakad na ako papuntang room pagkatapos i-abot sakin ni Xander yung cellphone ko.

Habang naglalakad ako papalabas na sana ako sa isang building dito sa school papunta sa kabilang building na kung saan nanduon ang aking classroom.

May bigla nalang na kung anong bagay na bumagsak sa aking ulo na parang nabasag ito. Pagkahawak ko saaking ulo, ang lagkit ng nahawakan ko pag tingin ko dito. Itlog? Bago pa ako makatingin sa kung sino man naghulog sakin ng utlog galing sa taas. May bumuhos naman sakin na flour sa harina. Ang dumi dumi ko na.

"Magaling. Magaling. Magaling." Pagkatingin ko sa nagsasalita ay si sarha na habang pumapalakpak pa.

Sya na naman may kagagawan nito. Ano ba kasing problema nya sakin?

Hila hila nya akong pumasok ulit sa building kung saan ako galing. Saan nya ako dadalhin?

"Ano ba sarha? Nasasaktan ako." Pagpupumiglas ko.

Huminto kami at tiningnan nya ako ng masama.

"Ayan naman talaga ang karapat dapat sayo. Bait baitan sa labas pero may landi palang itinatago sa loob." Sigaw nya sakin.

Ang dami na agad na taong mga nakapaligid samin. Nagtitinginan.

"Anong landi? Anong ibig mong sabihin?"

"Wag ka ng magmaang maangan pa charmaigne. Malandi ka naman talaga. Bait baitan at para maawa lang sayo ang mga ibang tao." At bigla na lamang nya akong itinulak kaya napasalampak ako sa sahig.

Feeling ko naluluha na ako. Ayoko nang ganito. Hindi ko manlang alam ang dahilan nya para ganitohin nya ako.

"Ang kapal mo talagang babae ka. Bagay lang sayo yan." Sambit nya.

"Pagkatapos mong away awayin si Xander nung isang araw pagkatapos lalandiin mo naman sya ngayon? Ang kapal talaga ng mukha mo." Nagulat ako ng bigla nya nalang akong nilapitan at pinagsasabunutan. Hindi ako makalaban sakanya dahil gaya nga ng sabi ko, di ako lumalaban at di ako marunong lumaban.

Tuluyan na akong napahiga pero sinasabunutan pa din ako ni sarha habang nasa itaas ko sya at ang lakas ng kalmot namumula na ata yung balat ko.

Hindi ko alam pero bigla nalamang nawala si sarha sa aking sa pagakakasabunot.

Pagkamulat ko ng aking mata ay nakita ko si Pat? Si Pat? Bakit ang aga nya naman? At bakit sabunot bunot nya si sarha? Nakalimutan ko palang warfreak yung kaibigan.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon