Chapter 20: Camping (part 3)

545 10 8
                                    

Charmaigne's POV

"Charm!!" Narinig kong may sumigaw sa pangalan ko. Nilingon ko ito at nakita ko si Nathan.

Lumapit sya saakin at sinabing, "Basang basa ka. Saan ka ba nagpunta? Halika na't bumalik na tayo sa base natin." Hihilain na sana nya ako pero pinigilan ko sya.

Nang tignan nya ako ay umiling ako, "Kailangan kong balikan si Xander. He needs our help." Wika ko sa kanya.

"Bakit? Anong nangyare?" Tanong nito saakin.

"I will explain it to you, later but can we go now? He really need our help. Please, Nathan." Pagmamakaawa ko kay Nathan.

Tumango sya sa akin bilang pagsangayon. Kahit na pagod na pagod at masakit na ang aking mga paa kanina ay pinilit ko pa rin tumakbo para makarating kami sa kinaroroonan ni Xander. I really can't understand him earlier. Why he leave me alone in the cave? Why we are running like we are criminals and some police staffs want to catch us? Theirs something really wrong and i don't know what is that.

Nang matanaw ko na ang butas kung saan nahulog si Xander kanina ay hinila ko na si Nathan papalapit roon. Sinilip ko si Xander sa ibaba at nakita ko ang dugo sa hita nya kung saan nakatusok ang matulis na kahoy.

Bumaba nang dahan dahan si Nathan sa kinalalagyan ni Xander. Umapak sya sa lupa kung saan walang matulis na kahoy. Tiningnan nya ang kalagayan ni Xander at para syang nataranta. Kung ako si Nathan, matataranta din ako dahil sa kalagayan ni Xander. Masakit ang matusok ng matulis na kahoy at meron pa naman syang sugat sa kanang paa nya. Dahan dahan nang inalis ni Nathan ang binti ni Xander na nakatusok sa matulis na kahoy.

"Arrghhhhh!!" Sigaw ni Xander sa sakit habang inaalis ni Nathan ang binti nya.

Nang maalis na ito ni Nathan ay binuhat nya na si Xander papaakyat. Hinila ko ang kamay ni Xander para maakyat sya dito sa kinalalagyan ko. Inaamin ko na mabigat sya kaya medyo nahihirapan akong iangat sya pero ibinuhos ko ang buong lakas ko para mailabas sya doon. Pagkatapos kong iangat si Xander ay si Nathan naman ang tinulungan ko para makaalis doon. Hindi ako masyadong nahirapan sa pagangat kay Nathan dahil kaya nyang pagaanin ang katawan nya, hindi tulad ni Xander na nanghihina na.

Binuhat na namin si Xander ni Nathan. Nandoon si Nathan sa kaliwang balikat ni Xander habang ako naman ay nandito sa kanang balikat nya habang akay akay sya. Kahit umuulan ay patuloy lang kami sa pagbalik sa base namin kung nasaan ang iba naming kasamahan.

"Anong nangyare?" Bungad samin ni Mister Hanz pagkadating na pagkadating namin sa base.

Merong trapal na nagsasangga base namin laban sa ulan. Siguro ay nilagyan nila ito upang hindi mabasa ang mga tent namin.

Inilapag namin si Xander sa lapag at hinayaan namin syang masuri ni Mister Hanz. Binalot ko naman sa katawan ko ang binigay na towel sakin ni Natnat.

Nakita kong kinuha ni Jerry ang isang kit na sa tingin ko ay naglalaman iyon ng mga betadine, gazeu at ng kung ano ano pa. Ibinigay nya ito kay Mister Hanz na hanggang ngayon ay sinusuri ang katawan ni Xander kung mayroong may sugat pa itong natamo.

Nagsimula nang linisin ni Mister Hanz ang mga sugat na natamo ni Xander pero hindi pa rin sya gumigising.

"Ikaw ba?" Umupo si Nathan sa tabi ko at binigyan nya ako ng tubig. Nilagok ko ito dahil sa sobrang uhaw na rin, "Wala ka bang galos o sugat?"

"Wala naman. Pero nagaalala talaga ako sakanya."

"Wag ka magalala. Gigising din sya. Naubusan lang talaga sya ng lakas kaya siguro ay nawalan sya ng malay." Nginitian ko lang sya ng pilit.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon