Chapter 16: Bantay

489 14 6
                                    

Charmaigne's POV

"Maghintay ka lang, dadating na yung bantay mo."

"But, kanina pa ako nagaantay dito kuya." Wika ko, "Hindi mo nalang kasi ako payagan. Kasama ko naman si Patricia."

"Magkaibang grupo kayo ni Patricia kaya hindi kayo madalas magkakasama dyan sa camping." Tugon nito, "Maghintay ka nga lang dyan."

"Kuya nam---" Aish. Kahit kailan talaga napakabastos ni kuya Chastin kaya sya iniwan ni ate Alexa. Speaking of ate Alexa, where is she now? I want to see her. I'll already miss her.

Naghintay lang ako dito ng ilang minuto at umalis na rin. Kailangan ko nang bumalik sa pila namin kasi baka mamaya dumating na rin yung bus na sasakyan namin para sa camping. Maiwan pa ako dito eh.

"Saan ka galing?" Tanong ni Princess pagkadating ko sa pila. Si Princess ay kaklase ko na isa sa mga kagrupo ko para sa camping.

"Uhm, May inantay lang." Sagot ko sa tanong nya. Ngumiti lang sya sakin at ganun din ako.

Sino ba kasi yung sinasabi ni kuya na bantay ko?

Yung ibang bus ay nagsimula nang magsialisan dahil siguro kumpleto na sila. Yung camping kasi namin may dalawang hati. May Team A atsaka may Team B. Yung Team A atsaka B ay binubuo ng 5 groups pero random yung students.

Nasa Team B ako ngayon at si Pat pero magkaiba kami ng grupo. May mga magkaklase sa ibang grupo pero nasa tatlo o dalawa lang silang nandoon.

Halos kalahating oras na akong nandirito pero wala pa din yung bantay ko na sinasabi ni kuya Chastin. Maaga pa lang nandito na ako. Ayoko kasing ma-late.

Nang dumating na yung bus na sasakyan namin, bigla akong nangamba. Aish. Si kuya naman. Nasaan na ba kasi yung sinasabi nyang bantay ko? Nakakainis naman.

Nagsimula nang magpasokan isa-isa yung mga kagrupo ko sa bus pero ako itong hindi mapakali.

Lumingon ako sa akimg likod pero isamg dibdib ng lalaki ang tumambad saakin. Tinignan ko ang mukha nito. Sheez.

"Natnat!" Sigaw ko at niyakap sya ng mahigpit.

Namiss ko si Natnat. Namiss ko yung kababata ko.

Nang kumalas ako sa yakap namin, tinignan ko yung paligid ko at marami palang nakatingin sakin dahil sa pagsigaw ko.

Hindi ko nalang pinansin yung mga nakatingin saakin.

"Natnat. Anong ginagawa mo dito? Dito ka din ba nagaaral? Sasama ka ba sa camping? Saan ka galing? Dito ka na ba nakatira? Ha?" Sunod-sunod kong tanong sakanya.

Natawa nalang sya sa sunod-sunod kong tanong. Pinisil nya yung pisngi ko at nginitian ako.

"Hindi ka parin pala talaga nagbabago."

"Syempre naman. Ako pa din naman yung Charmaigne na nakilala mo."

"At ako pa din naman si Nathan na nagkagusto sayo." Sambit nya at sabay kinindatan ako. Baliw.

"Pssh. Matagal na yun." Wika ko, "Ang pogi mo na ah." Pagpupuri ko sakanya.

Nakita ko syang namula dahil sa sinabi ko.

A Heartless Gangster (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon