Saving Her

4.1K 83 2
                                    

A/N:

Hahaha hindi ko alam bakit ko napagtripan kong gawing binabae si Ken at Karl XD bwahahaha. Sorry slow update. Pasukan na eh. Labyu guys! :*

-----

Ken's POV

Oh diba may POV ako.

Hay badtrip nag makeup and dress pa nga. Aish. Para kay boss! *0*

"On my cue.." Nagsisignal si Karl.

"Go..." Naglakad na kami ni Karl.

"Hii manong guard!" Ipit bosses na sabi ni Karl. Aish. Nakakahiya ito.

"Sino kayo?"

"Ahh ako si K---Kali!" Tae ano bang klaseng pangalan yun naibigay ko?!

"Ako naman si..Boggie" Pfftt muntik na ako matawa sa pangalan ni Karl. Hahaha.

"Ahh Kali, Boggie ano kailangan niyo?" Shet. KaliBoggie hahahahahaha. Parang 'kalibog ee'.

"Pinadala kami dito ni Jm." Kumapit si Karl sa braso nito.

"Tara mag enjoy tayo..." Sabi ko at nagyakag ng kasama niya.

Sumama naman ito sa amin. Pero may natirang walo. Psh kaya na yan nina boss.

-----

Red's POV

Napatumba na namin yun natirang tauhan ni Jm. Pumasok agad kami. Konti ang bantay niya sa loob mga lima lang.

Ng makita nila kami sumugod sila isa-isa. Tanga din eh. Ano akala nila palabas ito na susugod isa-isa sila aatake?

Sumugod sa akin ang dalawa. Yun natirang dalawa tig isa sila ni Blake at Chasten.

Sinipa ko agad sa tyan yung isa tumalsik ito.

Susuntukin na sana ako nung isa pero nahawakan ko braso niya, hinila ko siya at tinuhod ko amg mukha sabay suntok. Tumba na ito.

Yung isa tumayo sa pagkasipa ko at nasuntok ako. Shet napahawak ako sa labi ko. Dumugo. Ginasgasan niya mukha ko!

Sinuntok ko ito sa magkabilang mukha. Sinipa ko din sa dibdib tsaka kinwelyuhan hanggang mapasandal ito sa pader.

"Papatayin kita. Ginasgas mo mukha ko!" Sabi ko at sinuntok siya.

"Tama na yan boss wala ng malay eh" Sabi ni Blake na may sugat sa kilay.

"Tang¡na. Tingnan niyo ginawa ng kumag na ito!" Sabi ko at binitawan yun lalaki at sinipa.

"Gagaling din yan..." Sabi ni Chasten na namamaga ang mata ng konti. Psh isa lang kalaban nila nagkasugat pa sila?!

"Tss. Tara" Sabi ko at hinanap namin si Shey sa restouse.

"Boss! Nandito si Shey!" Sabi ni Blake habang pilit binubuksan ang pinto.

"Red! Tulong!" Narinig kong tawag ni Shey.

"Lumayo ka sa pinto Shey." Sabi ko at sabay kami ni Blake na sinipa ang pinto. Medyo sumakit yun binti ko. Gawa sa narra yun pinto eh.

"Red!" Niyapos ako ni Shey.

"Okay ka lang? Ano ginawa sayo ng gagong yun? I'll fvcking rip his head" Sabi ko at hinaplos buhok niya.

"Wala naman. Kinulong niya lang ako. Okay lang ako hubby.." Ngumiti si Shey.

"Ang tamis naman!! boss tara na nga alis na tayo!" Sabi ni Chasten.

Ng pababa kami nakita ko nagsibalikan na ang mga tauhan ni Jm na nasa labas yun nandito sa loob tumba ne eh. Nakita ko nakikipag bakbakan si Karl at Ken.

"Tara!" Sabi ni Blake at nakipaglaban din kami.

"Stay here wife..." Sabi ko at kiniss noo niya.

"Okay.." Sagot nito.

Sumugod na ako pero *bang!*

Napatigil kaming lahat agad ko naman nilingon si Shey.

"Fvcking sh!t. Bitawan mo siya Jasper!" I cussed. Hawak niya si Shey.

"Akin lang siya diba? " Jasper.

"Red nababaliw na ata siya..." Tinawag ako ni Ken sa pangalan ko. Sh!t ngayon lang ako kinakabahan sa buong buhay ko.

"Please pakawalan mo na ako..." Sabi ni Shey pero naka poker face lang.

"No mahal ko..."Jasper.

Nagulat nalang kami siniko ni Shey si Jasper at lumayo saka sinipa ang barril sa kamay sabay sambot nito at itinutok kay Jasper. Napanganga sila Blake.

"Shey wag mo gawin ito sa akin..." Sabi ni Jasper.

"You provoked me." Kinasa ni Shey ang barril. Medyo bumalik na ako sa katinuan ko para pigilan si Shey dahil gusto ko ako mismo tatapos sa kanya tsaka ayoko pumatay si Shey ng tao pero...

*bang!*

----

A/N:

Busy at the moment. Hay naku. Feel free to vote and comment.

<3

I'm Dating The Pervert Gangster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon