Chapter 28: Don't be awkward Nikko

10 1 0
                                        

Nikko's POV

Ito na, ito na ang araw na pupunta ako sa bahay nila. Pumayag si Tita, mommy ni Kim na dun ako tumulog kinausap pa iyon ni Mommy. Lakas trip eh, kung minamalas nga naman.

"Nikko, wag ka ng magdrama sa kwarto mo dalawang araw lang, para namang di kapa hindi nakakatulog diyan eh nasama ka naman sa camping." Sabi ni Dad.

Kakarating lang rin namin kanina galing Lucena. Kagahapon nag SM kami.

"Di ako nagdadrama dad."

"Baba na!"

Bumaba na ako...

"Good luck bro! Wag isiping awkward ha." - Ate LM.

"Hahahahaha."

"Trust me, babae ako I know every girl."

"Kapalsss."

"Ulol."

"Kuya, bigay mo ito kay Ate Kim."- Gilbert.

Inabot niya sakin yung dinodrawing niya nung minsan.

"Okay."

"Daddy, kasama kami ni Ate LM paghatid kay Kuya." - Jb.

"Sige, punta na dun sa kotse."

"Yehey."- Ate LM.

" Bye Mommy."

"Ingat, anak wag makulit dun. Wag mo awayin si Kim."

"Opo."

"Kayo lang ang tao dun saka mga katulong nila. If you had time pagluto mo si Kim, okay?"

"Opo."

Naghug na ako kay mommy at fist bump kay Gilbert.

"Byeeeee!"

Nagsakay na ako sa front seat.

"Tara na, Dad."- Ate LM.

" Mas excited pa kayo sa akin."

"Hahahaha, dala mo IPad mo diba? Makiconnect ka na lang sa WiFi nila Hahaha. Video call sometimes."- Ate LM.

" Oo nga Kuya."

"Gege."

Madali lang ang biyahe hindi masyadong traffic. Mga 2 hours lang ang naging byahe.

Andito na kami...

Nasa labas si Kim, kasama ang kanilang 3 Yaya siguro. Nakaplug ang earphone niya at naka T-shirt at shorts lang.

"Kimmy!" Sigaw ni Ate LM.
"Ate Kim!" Sigaw ni Jb.

Miss na miss nila ha.

Bumaba na rin si Dad sa kotse.

"Go there, Nikko."

Naglakad ako papalapit sa kanila.

"Hi Nikko, welcome." Sabi ni Kim.

"Uh.. Thanks."

"Let's go inside." sabi ni Kim.

Hindi pa naalis sila Daddy.

"Magmerienda po muna kayo, bago kayo byumahe pabalik."

Tumango naman si Jb at Daddy.

Si Ate naman tinitingnan bawat sulok ng bahay nila Kim.

"Wow!" bukang bibig ni Ate.

"Ate san ang kwarto mo dito? Dun rin ba si Kuya?" Tanong ni Jb.

Bigla akong napasinghap kalokohan ni Jb.

True Until The EndWhere stories live. Discover now